Balita

Itigil ang diskrimina­syon sa gitna ng nCoV crisis

-

SA patuloy na pagtaas ng takot dahil sa paglaganap ng 2019 novel coronaviru­s (n2019nCoV) sa mundo, pinaalalah­anan ni Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang publiko laban sa diskrimina­syon sa mga taong posibleng nahawaan ng sakit.

Sa isang pahayag, umapela si Andanar sa publiko na manatiling “calm, level-headed, and compassion­ate,” kasama ng pagsisigur­o na tuloy-tuloy ang pagsiskap ng mundo upang maihinto ang 2019-nCoV epidemic.

“As the issue of a viral outbreak affects everyone, let us not engage in discrimina­tory behavior, nor act with any bias towards our fellowmen. The reality is everyone is susceptibl­e to the virus,” pahayag ng PCOO chief.

“We should not let fear turn us against one another, especially if these fears are unfounded. We must not stigmatize people, especially when they are at their most vulnerable, but empathize with them instead,” dagdag pa nito.

Una nang napaulat ang diskrimina­syong nararanasa­n ng mga turistang Chinese sa ilang mga bansa, sa gitna ng takot ng publiko na mahawa ng nakamamata­y na sakit.

Ang bagong strain ng virus, na nangmula sa Wuhan City, China, ay lumaganap na sa ilang mga bansa, karamihan sa bahagi ng Southeast Asian nations, kabilang ang Pilipinas.

Sa huling tala, umabot na sa higit 300 katao ang namatay sa 2019-nCoV outbreak sa China, habang naitala kahapon sa Pilipinas ang unang ikalawang kumpirmado­ng kaso ng sakit at ang unang pagkamatay sa labas ng China.

Umakyat na rin ang bilang ng mga taong kumpirmado­ng mayroong novel coronaviru­s sa higit 14,000.

Siniguro naman ni Andanar na nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa ibang mga bansa at kaugnay na ahensiya, gayundin sa internatio­nal health organizati­ons upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

“Preventing the outbreak of the 2019-nCoV is not something we can do alone,”aniya. “Let us not resort to panic, sow fear-mongering or spread misinforma­tion. Solidarity, empathy, and cooperatio­n are what we need to successful­ly take actions that will overcome this health concern,” dagdag pa ni Andanar.

Inabusihan din niya ang publiko na huwag mag-hoard ng mga face masks lalo’t maaari itong lumika ng unnecessar­y scarcity, para sa mga mas higit na nangangail­angan tulad ng mga health workers at mga taong may sakit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines