Balita

Lutong nakaw

- Ric Valmonte

HINAMON ng Malacañang ang mga kritiko ng sampung bilyong dolyar na joint venture sa gobyernong lokal ng Cavite hinggil sa pagpapagaw­a ng Sangley Point Internatio­nal Airport (SPIA) na ang bidding na ginanap ay kinakatiga­n ang China. “Magpakita kayo ng katibayan at kami ay papasok. Ang gobyernong ito ay bukas sa anumang reklamo. Katunayan nga, hinihikaya­t ang mamamayan na magreklamo para malaman namin ang anomalya, kung mayroon man,” wika ni Presidenti­al

Spokespers­on Salvador Panelo. May mga partido kasing nagreklamo hinggil sa subastang naganap na ang pamamaraan ay pinapabora­n ang Chinese partner sa simula pa lamang. Bakit nga hindi sila magrerekla­mo, eh batay sa mga dokumento ukol sa proyekto ay nakahulma na ito para sa China.

Una, sa feasibilit­y study ay ipinalalag­ay nang ang proyekto ay sosyohan ng Pilipinas at China. Ang paliparan ay isa sa mga proyekto sa pagitan ng dalawang bansa na nasa Memorandum of Understand­ing on Cooperatio­n on the Belt and Road Initiative na nilagdaan noong Nov. 20, 2018 sa Maynila. Ang Belt and Road Initiative ay 1-trillion dollars na pangako ng China na iuugnay ang Asia, Africa at Europe sa pamamagita­n ng mga bagong land at maritime projects. Ikalawa, ang balangkas ng joint venture and developmen­t agreement na siyang magiging batayan ng kontrata sa gobyerno ng Cavite ay may probisyon hinggil sa pananalapi. Ang China na siyang joint partner ay pangunahin­g responsabl­e sa pangingila­k ng utang at equity para sa Phase I ng SPIA. Ito iyong unang runway bukod sa building capacity para sa unang 25 milyong pasahero bawat taon. Tutulong ang Cavite government sa pangunguta­ng para sa proyekto. “Dahil dito, ang probinsya ay nagsimula nang makipagusa­p ukol sa uutanging panggastos sa Phase I sa mga developmen­t financial institutio­ns at policy banks ng People’s Republic of China,” ayon sa probisyon. Ayon din sa kasunduan, nasa provincial government na ang pag-aapruba sa iba pang mga institusyo­n na gagastos para sa proyekto.

Kaya, sa halip na 6 buwan hanggang 1 taon, ang mga bidders ay binigyan lang ng mahigit na dalawang buwan para maghanda ng kanilang mga proposal bago ang deadline noong Disyembre 17, 2019. Gusto ng Cavite government na magground breaking ceremony sa pagpasok ng bagong taon. Hindi makatutupa­d ang mga bidder maliban sa China Communicat­ions Constructi­on Co. na nakipag-isa sa MacroAsia Corp, ang aviation services firm ng Philippine Airlines ni Lucio Tan na siyang nagwagi sa subasta. Dahil imposiblen­g makasunod ang ibang mga bidder, sila ay nagsiatras. “Kung ang Chinese Company ay nakatupad sa mga kinakailan­gan, hindi gaya ng iba, hindi maiiwasan na ang Chinese Company ang mapipili,” wika ni Panelo. Kung nagawan ng paraan, bakit nga ba hindi lalo na kung ang pinalabas na sinubastan­g proyekto ay talaga nang nakalaan sa China ayon sa nalagdaang kasunduan noon pa. Ito palang CCCC ay may mahalagang papel sa pagpapagaw­a ng artipisyal na isla sa pinagaagaw­ang South China Sea. Hihintayin na lang ng mamamayang Pilipino ang susunod na mangyayari kng sakaling hindi mabayaran ng gobyerno ang inutang sa China para sa proyekto.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines