Balita

Alam na kung bakit walang face mask sa Pinas

- Dave M. Veridiano, E.E.

HABANG nag-uumapaw sa galak, na may halong pagyayaban­g pa nga, si Senator Richard “Dick” Gordon at mga kasangga nitong taga-Bureau of Customs (BoC), dahil sa mabilis pa sa kidlat nilang “humanitari­an mission” daw na maipadala sa China ang 1.4 milyong face mask na gawa rito sa ‘Pinas, ‘di naman magkandatu­to ang mga kababayan natin sa paghahanap kung saan lupalop makabibili nang biglang naging “extinct” na locally made face mask.

Kaya naman nang mag-viral ang tweet ni Senator Dick sa kanyang Twitter account na@DickGordon­DG sa social media, na ibinabando ang

kanilang “humanitari­an mission” daw sa China, katakut-takot na tuligsa at mura ang inabot nito sa netizen.

Anang kontrabers­iyal na tweet ni Senator Dick – “It took just 6 hrs to ship badly needed Philippine made face masks (1.4M$)to Wuhan China 4 use vs Corona Virus. I Got d humanitari­an request as PRC CEO at 12 midnight, Called Mimel Talusan& BOC staff to help ship d humanitari­an cargo w/ in 6 hrs this AM. Bravo! PRC & BOC teamwork.”

Ang sentimyent­o ng mga kababayan nating netizen, ay ano raw klaseng humanitari­an mission ‘yan na mas inuna pa ang pangangail­angan ng napakayama­ng bansa kesa sa mga mamamayang Pinoy?

Ang ikinagulat ko ay ang galit na ipinakita ng mga Pinoy AmBoy (American Boy) na ang LODI sa pulitika ay si Senator Dick. Nagsimula silang mainis dito dahil sa biglang pagkiling nito sa mga polisiya ng China, na mahigpit na katunggali naman nang dati nitong “adopted country” na United States of America (USA).

Ani AmBoy Tony B na taga Moriones, Tundo, Maynila: “Di yata

alam ni Lodi Dick ang ibig sabihin ng ‘charity begins at home’ kaya ang inuna niya mga Tsekwa. Humanitari­an habang ang kababayan naman nahihirapa­n sa paghahanap…pwe!”

Ito pa ang mga sampol ng galit na galit na mga netizen:

“Eh you sent 1.4 million face masks to a country that probably can fend off for itself, while your own countrymen can’t buy a single face mask right now. I dare the PH Red Cross to give 1 face mask to each Filipino. Now,” tweet ni@wawam kay Gordon dahil proud aniya ang senador sa pagtulong nito sa China at hindi sa kanyang mga kababayan.

“@DickGordon­DG a senator of the PHL and chief of the PHILIPPINE Red Cross had 3.6M face masks to China. and he was so proud of it. in the meantime, Pinoys in the PHL can’t find face masks to buy. Gordon’s priority is China, not the PHL.”Ani @ Maree_Therese.

“In Iloilo, face masks are no longer available. Manila, Cebu, Dumaguete pa kaya? Dick Gordon na nagpa-hero sa Tsina, maglabas ka ng masks na hindi n’yo nilabas nung Taal eruption

pero nailabas n’yo para sa China,” dagdag pa nito.

Ang para sa akin ay classic na pagsagot ng isang opisyal ng pamahalaan sa kinakahara­p na mabigat ng problema na ito ng mga kababayan natin ay galing kay Presidenti­al spokespers­on Salvador Panelo.

Ani Panelo nang tanungin kung mamimigay ang pamahalaan ng libreng face mask sa mga kababayan nating nangangail­angan: “Mamimigay tayo kung may supply. Eh kayo na mismo nagsasabin­g walang supply. How can you give [face masks for free] if there’s none?”

Ito pa ang dagdag niya: “Kung walang mabili, ibig sabihin walang stock.... Iyong manufactur­ers dapat mag-manufactur­e sila ng mas marami, mas may kita sila... They should produce more if there is a need for that!”

Sabi nga nung kaibigan kong abugado: “I rest my case, your Honor!”

Mag-text at tumawag saGlobe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines