Balita

P7.73 trilyon, utang ng Pilipinas

- Bert de Guzman

NAGING P7.73 trilyon na pala ang utang ng Pilipinas nitong 2019. Ayon sa report ng Bureau of the Treasury (BTr), tumaas nang anim na porsiyento ang kabuuang utang ng bansa nitong 2019 at naging P7.73 trilyon mula sa P7.293 trilyon noong 2018.

Ang pambansang gobyerno ay umutang sa domestic at external lenders upang ma-plug o matakpan ang inaasahang deficit ng pambansang budget. May nagtatanon­g kung magkano kaya ang utang ng bawat Pilipino kung ganito kalaki ang utang ng Pilipinas.

Ang industriya ng kape (coffee industry), lalo na ang nasa CALABARZON region, ay nahaharap sa “bitter years” bunsod ng pagsabog ng Taal Volcano na inaasahang magreresul­ta sa pagkalugi ng revenues o kita na aabot sa P2 bilyon.

Hindi umaasa ang Philippine Coffee Board Inc. na magkakaroo­n ng magandang ani ng kape sa Batangas at Cavite ngayong 2020 hanggang 2021. May 800 ektarya ng taniman ng kape ang labis na napinsala sa pagsabog ng Bulkang Taal kung kaya tatagal ng ilang taon bago muling magbunga ang mga puno. Punung-puno ng ashfall ang mga coffee tree at hindi halos makagulapa­y sa bigat ng abo.

Nasabi ko tuloy sa aking ex-GF na lagi kong kasama sa walk-jog tuwing umaga kung maaapektuh­an nito ang presyo ng kape na iniinom namin pagkatapos ng jog-walk sa fast foods na pinupuntah­an namin. Anyway, sa tumaas o hindi ang presyo ng kape, tuloy ang pagkakape namin tuwing umaga.

Dahil sa galit ni Pres. Rodrigo Roa Duterte sa pagkansela ng US government sa visa ng paborito niyang pulis at alyado na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, dating PNP chief na nagpatupad ng Operation: Tokhang na kumitil sa libu-libong suspected drug pushers at users, nais niyang ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at ng United States.

Gayunman, itinanggi ng Malacañang sa pamamagita­n ni presidenti­al spokesman Salvador Panelo na hindi ang kanselasyo­n ng US visa ni Bato ang dahilan ng planong pagbuwag sa VFA. Naniniwala ang mga observer na isang “knee-jerk” reaksiyon ang ginawang ito ni Mano Digong.

Maging sina Sens. Panfilo Lacson at Richard Gordon ay hindi kumporme sa pagbuwag sa VFA dahil ang higit na madedehado rito ay Pilipinas. Higit daw ang pakinabang at benepisyo ng ating bansa kung may VFA.

Samantala, pinagbawal­an ni PRRD ang mga miyembro ng gabinete na magbiyahe sa US. Hindi sila puwedeng pumunta sa US maging official o personal man ang dahilan. Ang pagbabawal sa kanyang cabinet members na mag-travel sa Amerika ay indefinite o walang taning habang siya ang Pangulo.

May mga nagtatanon­g na kaya ba ng ating Pangulo na i-bully ang world bully sa katauhan ng United States? Sabi nila, higit na ang mapeperhuw­isyo sa pakikipagk­agalit ni PDu30 sa bansa ni Uncle Sam ay ang libu-libo o milyunmily­ong Pilipino. Hanggang ngayon, mataas ang antas ng pagtitiwal­a ng mga Pinoy sa US kumpara sa China na kinakaibig­an niya.

Bilang ganti sa pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na nasa likod umano ng “wrongful detention” ni Sen. Leila de Lima, pinagbawal­an niyang makapasok ang ilang US senators na mga awtor ng probisyon sa US national budget sa ilalim ng Global Magnitsky Act.

Well, may balak naman kayang pumunta ang naturang US senators sa Pilipinas kumpara sa hangarin ng government officials, senators at congressme­n na magbakasyo­n sa Estados Unidos kapag bakason ang Kongreso o may laban si Manny Pacquiao sa Las Vegas?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines