Balita

Loonie, balik-social media matapos makalaya

- Ni STEPHANIE MARIE BERNARDINO

SA unang pagkakatao­n mula nang makulong noong Setyembre at makalaya nitong nakaraang linggo, balik-social media na si Loonie, na nagpost na ulit sa kanyang mga accounts.

“Kamusta mga tol? Dami kong kwento sa inyo. Namiss ko kayong lahat! Salamat sa inyong lahat na naniwala at hindi bumitaw. I love you all!” pagbabahag­i nito sa Twitter.

As of writing, may 22K likes at 3.7K retweets ang post na ito.

Maging ang singer-comedian na si Ogie

Alcasid ay nagpaabot na rin ng mensahe sa rapper:“God bless you, bro.”

Sa kaparehong araw din, nagpost si Loonie sa kanyang Instagram account: “What a difficult battle it has been.”

Hindi rin niya nakalimuta­ng pasalamata­n ang kanyang mga mahal sa buhay, pamilya, kaibigan, advisers, sponsors, donors, fans, followers, at ang local at internatio­nal hip-hop communitys­a naging pagsuporta sa kanya.

“To our team of powerhouse lawyers — Atty. Kenneth Tiu, Atty. Abraham Gutoc, and Atty. Emil-Anton Coronel — thank you for being in the forefront of defending us and seeking justice for us,” anito.

“Lastly and most importantl­y, to our God Almighty, thank You. I submit my life to Your holy will. I believe that You have set me on a quest in this fallen world to use my story as a testimony of how powerful and merciful You are. I believe in Your saving grace, justice, and redemption. You said it in Your word, “Vengeance is mine. I will repay. (Romans 12:19)” And I believe that the victory is already won, I just have to take up my cross

and follow You.”

Napuno naman ang comments section nito ng “welcome back ” messages.

Setyembre last year, nang arestuhin si Loonie (Marlon Peroramas in real life) at apat pa nitong kasama, kabilang ang kanyang nakababata­ng kapatid, sa isang buy-bust operation sa isang hotel sa Makati City.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakalaya na ang rapper na si Loonie makaraang magpiyansa ng P2 million para sa temporary liberty.

 ??  ?? Loonie
Loonie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines