R28-M shabu nasabat sa babaeng Thailander sa NAIA

Balita - - Libangan - Bella Gamotea

Nabigong maipuslit sa bansa ng isang babaeng pasaherong Thailander ang bagahe nito na naglalaman ng pinaniniwa­laang shabu na nagkakahal­aga ng P28 milyong piso nang mabisto sa X-ray scanning machine sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Bureau of Customs (BOC)NAIA, District Collector Carmelita ‘Mimel’ Talusan ang suspek na si Pakjira Janwong, nasa hustong-gulang, at pasahero ng flight Z2 288 galing Bangkok, Thailand.

Dakong 3:00 ng madaling araw nitong Lunes, dumating sa airport ang dayuhang suspek dala ang kanyang bagahe kung saan idinaan sa X-ray scanning, dito nadiskubre sa TV monitor ang kahina-hinalang hugis ng pulbos (‘shabu’) na nakatago sa tatlong pakete na ibinalot sa carbon paper at packaging tape.

Mabilis na pinigil ng mga tauhan ng BOC at airport authoritie­s ang suspek at agad na isinailali­m sa physical examinatio­n ang nasa loob ng bagahe kung saan tumambad sa kanila ang naturang shabu na tumitimban­g ng 4.125.

Idiniretso ang Thailander sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) upang sampahan ng paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Pasay Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.