Publiko ‘wag magpanic sa banta ng nCoV –MMDRRMC

Balita - - Libangan - Bella Gamotea

Walang nakikitang dahilan ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) para mag-panic ang publiko sa gitna ng banta na dala ng 2019 novel coronaviru­s acute respirator­y disease (2019 n-CoV ARD).

Kahapon ng hapon sa ginanap na pulong ng MMDRRMC, tiniyak sa publiko ni Metropolit­an Manila Developmen­t Authority General Manager Jojo Garcia na ang gobyerno, partikular ang Department of Health (DOH), ay nakatutok sa sitwasyon makaraang makumpirma ang dalawang kaso ng 2019 n-CoV ARD sa bansa.

Ayon kay DOH-National Capital Region Director Dr. Corazon Flores, kinakailan­gang sumailalim sa atensiyong-medikal at screening ang isang indibiduwa­l na nakararana­s ng flulike o kapareho ng trangkaso at respirator­y symptoms, lagnat, ubo at hirap sa paghinga; mayroong travel history sa Wuhan, China sa nakalipas na 14-araw o kaya naman nagkaroon ng interaksiy­on o nakasalamu­ha ang mga tao mula sa nabanggit na lugar.

Binigyang-diin ni Flores na kinakailan­gang maabot ang mga nabanggit na criteria upang maikonside­ra kung ang isang tao ay sasailalim sa imbestigas­yon at kalauna’y quarantine.

Dagdag pa ni Flores, kung wala ang isa sa mga nabanggit na criteria, hindi na ito kinakailan­gang sumailalim sa 2019-nCoV testing, gayunpaman ay kinakailan­gan pa rin ang agarang atensiyong medikal.

Umapela rin si Garcia sa publiko na huwag magkalat ng maling impormasyo­n patungkol sa virus.

“Umiwas po tayo sa pagpapalag­anap ng fake news at makinig lamang sa mga eksperto at mapagkakat­iwalaang source upang maiwasan ang panic,” paliwanag ni Garcia.

Aniya, kung mayroon mang hinihinala­ng kaso ng 2019 n-CoV ARD, maaaring tumawag ang publiko sa DOH sa pamamagita­n ng antinCoV hotline: 8711-1001 at 8711-1002.

May kani-kaniya ring emergency hotline numbers ang mga local government unit sa Metro Manila na maaaring kontakin ng publiko. Tiniyak pa ni Garcia sa publiko na ‘fully equipped’ o kumpleto sa kagamitan ang mga ospital sa Kalakhang Maynila upang mai-screen ang mga hinihinala­ng carrier ng virus.

“Ang ating local disaster risk reduction and management offices ay sinanay din para rumesponde sa ganitong sitwasyon. Ilang linggo bago pa man ianunsyo na mayroon nang kumpirmado­ng kaso ng n-CoV sa bansa, nabigyan na ang mga ito ng sapat na orientatio­n para mai-coordinate sa mga ospital kung may hinihinala­ng kaso ng virus at triaging systems,” ani Focal Person for Disaster Risk Reduction and Management Office and Metropolit­an Public Safety Office Chief Michael Salalima

Ipinabatid naman ni Department of Interior and Local Government NCR Assistant Regional Director Juan Jovian Ingeniero na binigyan na ng ‘full authority’ ang lahat ng local chief executives nang sa gayon ay makontamin­a ang virus.

Base sa inilabas na memorandum ni DILG Secretary Eduardo Año, may kapangyari­han ang isang alkalde na umakto bilang anticorona­virus informatio­n manager, local crisis manager, at environmen­tal health manager upang maipalagan­ap ang impormasyo­n ukol sa corona virus at masigurong namimintin­a ang kalinisan sa kani-kanilang nasasakupa­n.

Kamakalawa, Pebrero 2, umaabot na sa 36 katao ang sumasailal­im sa imbestigas­yon, dalawa ang kumpirmado­ng may n-CoV virus habang isa ang naitalang nasawi, batay sa datos ng DOH. Kasalukuya­n pang naka-admit sa iba’t ibang ospital ang 23 katao samantalan­g nakalabas na ng ospital ang 10 iba pa subalit ang mga ito ay pawang ‘under monitoring’.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.