Balita

Alden, malungkot sa pagtatapos ng ‘The Gift’

- Ni NORA V. CALDERON

SIMULA na ng finale week ngayong Lunes, February 3, ng inspiratio­nal drama series ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards sa GMA Network, ang The Gift, kaya nakararamd­am na siya ng lungkot dahil two taping days na lamang nila, today, matapos makapangga­ling siya ng Bangkok, Thailand for a TVC shoot ng bago niyang endorsemen­t. Last taping day nila sa Wednesday, February 5.

Pinakamaha­bang teleserye ni Alden ang “The Gift” na sinimulan pa niya last September, 2019.

“Mami-miss ko ang buong cast, dahil naging parang isa kaming big family tuwing may taping, from morning to almost morning of the next day,” sabi ni Alden. “Naging close ako sa cast, sina Jo Berry as my adopted mother, si Strawberry, at si Tita Elizabeth Oropesa as my Lola Char, sila ang nag-ampon at nagpalaki sa akin at dumanas din sila ng mga sakit para sa akin, lalo na nang mabulag ako sa story. Then there’s Jean

Garcia as Nadia, my real mother. At ang barkada ko, sina Mikee Quintos (Amor), Mikoy Morales (Bistek), at si Victor Anastacio (Andoy). Then sina Martin del Rosario (Jared) at Ysabel Ortega (Sabina) na mga kapatid ko sa story. Madalas din kaming magkakasam­a para mag-mall show sa iba’t ibang lugar sa bansa. Kaya sabi ko nga, hindi magtatapos ang nabuo naming friendship sa pagtatapos ng serye sa buong production staff, kay Direk LA Madridejos at sa crew. At sa mga naging guests namin, sina Sophie Albert, Baeby Baste, Smokey Manaloto, Epy Quizon at Paolo Paraiso.”

Nagpasalam­at din si Alden sa mga televiewer­s na nagbibigay ng magaganda at positive insights tungkol sa serye, at spiritual message na ibinigay nila sa character ni Alden as Joseph or Sep, kung gaano ito naniniwala at nananalig sa Diyos sa kabila ng mga hirap na pinagdaraa­nan niya.

This week, malalaman na kung makakaligt­as sa tiyak na kamatayan si Straw para mapawalang-sala naman si Nadia na siyang itinuro ni Christian

Bautista as Javier sa pamamagita­n ng paglalagay ng necklace nito sa gamit ni Straw. Pero ang hinihintay ng mga netizens kung anong kamatayan ang tatanggapi­n ng super-samang characters nina Javier at Francine (Rochelle

Pangilinan), matapos na mahulog sa building si Jared bilang bayad sa mga kasamaan niyang ginawa kay Sep. And of course, kaabang-abang kung paano tatanggapi­n ni Sep na ang tunay na inang matagal na niyang gustong makita ay nasa tabi lamang pala niya palagi, si Nadia.

Ang “The Gift” ay napapanood gabi-gabi sa GMA primetime telebabad pagkatapos ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

 ??  ?? Jo, Elizabeth at Alden
Jo, Elizabeth at Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines