Balita

Rapper Mase may patutsada kay Diddy

- Sean Mase

N N

EW YORK — Halos isang linggo matapos papurihan si Sean “Diddy”

Combs sa Clive Davis preGrammys gala, binabatiko­s naman ngayon ng rapper na si Mase ang Bad Boy Records founder at inaakusaha­n si Sean ng pagtanggal sa kanya kasama ng iba pa sa nakakontra­ta sa kanyang label.

“I heard u loud and clear when u said that u are now for the artist and to that my response is if u want to see change you can make a change today by starting with yourself,” post ni Mase sa Instagram. “Your past business practices knowingly has … been extremely unfair to the very same artist that helped u obtain that Icon Award on the iconic Badboy label.”

Hindi naman tumugon sa email request ang kinatawan ni Diddy, para sa hinihingin­g komento nitong Biyernes.

Sa isang fiery, 50-minute speech sa Jan. 25 gala, binatikos ni Diddy, ang Grammy Awards dahil sa pagsasanta­bi ng rap at R&B stars sa major categories. Kinilala siya sa event at tumanggap ng all-star tribute mula sa mga artist na nakasama niya, kabilang sina Mase, Lil

Kim, Faith Evans at Carl Thomas.

Sa kanyang talumpati, nanawagan ng pagbabago ang rapper sa Grammys.

“So I say this with love to the

Grammys, because you really need to know this, every year y’all be killing us man. Man, I’m talking about the pain. I’m speaking for all these artists here, the producers, the executives,”aniya. “The amount of time it takes to make these records, to pour your heart into it, and you just want an even playing field.”

Sa Instagram, inakusahan ni Mase si Combs ng “underpayin­g” para sa lahay ng mga kanta na na-publish mula sa kanyang mga unang araw bilang artist na kilala bilang Bad Boy artist.

“This is not black excellence at all,” pagbabahag­i ni Mase. “When our own race is enslaving us. If it’s about us owning, it can’t be about us owning each other.”

Kabilang sa Bad Boy’s biggest hits ni Mase ang Feels So Good at Mo Money Mo Problems, isang Notorious B.I.G. song featured Combs and Mase.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines