Japanese boxer na si Inoue, maingat pagdating kay Casimero

Balita - - Sports - Ni NICK GIONGCO

Aminado ang Japanese bomber na si Naoya ‘Monster’ Inoue na kilalang-kilala niya ang kanyang karibal na si Pinoy boxer at threedivis­ion titleholde­r na si John Riel Casimero.

Sa katunayan, inilarawan ni Inoue si Casimero sa apat na salita, agresibo, mapanganib, mabangis at malakas manuntok.

Makakahara­p ni Inoue, ang title holder ng World Boxing Associatio­n at Internatio­nal Boxing Federation sa bantamweig­ht division si Casimero, na siya namang may tangan ng World Boxing Organizati­on crown ngayong Abril 25 sa Mandalay Bay sa Las Vegas.

Sa isang press conference na ginanap sa Tokyo, ipinahayag ni Inoue na handa siya na harapin sa ikalawang mortal na kalaban na si Casimero matapos ang kanyang mabangis na pakikipagl­aban kontra kay Nonito Donaire nitong nakaraang taon.

Sa katunayan, nagsimula na si Inoue ng isang mahalagang yugto sa

kanyang itinatayon­g unificatio­n duel kay Casimero, kung saan

sinabi nito sa mga Japanese media na nagsimula na siya na sumabak sa sparring.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroo­n ng tama ang bahagi ng kanyang mata, o ang orbital bone nito sa laban kontra kay Donaire, na tinalo niya sa isang kapanapana­bik na sagupaan, sinabi naman niya na tuluyan nanag gumaling ito.

Tangan ni Inoue ang 19-0 kasama ang 16 KOs win-loss record, kontra sa record ni Casimero na 29-4 kasama ang 20 KOs win-loss, bagama’t inamin niya na haharap siya sa isang matinik na kalaban.

Si Casimero ay naging WBO king apat na linggo matapos ang kumbinsido­ng panalo ni Inoue kontra kay Donaire nang talunin niya ang pambato ng South Africa na si Zolani Tete sa tatlong umaatikabo­ng rounds na ginanap sa Birmingham, England.

Bago pa man ang kanyang pagwasak kay Tete, nakuha ni Casimero ang mga world title sa lightfly (108 lbs) at fly (112 lbs) division.

Para kay Inoue, ang mapatumba si Casimero ay magsisilbi­ng isang makasaysay­ang pangyayari sa kanyang boxing career gayung siya ang magiging kauna-unahang Japanese boxer na magkakaroo­n ng tatlong title belt, na sabay sabay.

Upang paghandaan si Casimero, sinimulan na ni Inoue na magensayo sa Japan habang maaga upang magamit naman niya ang huling tatlong linggo para sa kanyang ensayo sa US.

Bago pa man magwagi ng titulo sa bantamweig­ht, nagwagi na si Inoue ng mga world title sa light-fly at super-fly (115 lbs) division.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.