Kelot, tiklo sa virus prank

Balita - - Front Page - Ni NIÑO N. LUCES

LEGAZPI CITY, Albay – Arestado ang isang lalaki nang mabalot ng tensyon ang isang shopping mall matapos na magpanggap na nahawaan ng novel coronaviru­s sa nasabing lungsod, nitong Linggo ng gabi.

Under custody na ang suspek na kinilala ni Albay Police Provincial Office spokesman, Captain Dexter Panganiban, na si Marlon de Vera, taga-Putok 2, Bgy. Bigaa, ng nabanggit na siyudad.

Binanggit ni Panganiban, biglang nahiga ang suspek sa main entrance ng isang shopping mall at nagkukunwa­ring tinamaan ito ng virus habang kinukunan naman ito ng video ng kanyang kasabwat, nitong Linggo, dakong 6:00 ng gabi.

“The security guard identified as Rolando Frondozo y Dioquino saw a man slowly walking in front of the mall and upon reaching the entrance gate, the suspect laid down and pretended that he was a victim of Corona virus or a prank on Corona virus while his cohort was taking a video of him. As a result, the customers inside the establishm­ent went out due to fear,” aniya.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong alarm and scandal laban sa suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.