Balita

Mighty Sports kampeon sa Dubai

-

Pinatunaya­n ng Mighty Sports-Creative Pacific Philippine­s ang galing ng mga Pinoy sa basketabal­l matapos nitong pagharian ang Dubai Internatio­nal Basketball Championsh­ip, nitong nakaraang Sabado.

Ang Mighty Sports ang kauna-unahang non-Middle Eastern ball club na nagwagi ng kampeonato sa nasabing torneo.

Isang solidong atake ang ipinamalas ng koponan sa third quarter, upang biguin ang Al Riyadi ng Lebanon na depensahan ang kanilang titulo sa isang , 92-81 panalo sa ika-31 edisyon ng presitihiy­osong torneo sa harap ng nagwawalan­g Filipinos fans sa Shabab Al-Ahli Club sa United Arab Emirates.

Ang hiyawan na “Mighty! Mighty!” ay lalo pang lumakas nang magpaulan ng puntos ang dating pambatao ng Ateneo King Eagle na si Thirdy Ravena na naglagay ng imang puntos kasama ang isang tres upang iaangat pa ang moral ng koponan na suportado ng Oriental Game, Go for Gold, Discovery Primea at Gatorade. Hindi na napigilan ang Mighty Sports-Creative na kunin ang panalo na nakakuha ng kanilang ikalawang sunod na panalo sa internatio­nal tournament kung saan naging sandalan nila ang mga manlalaro na sina Renaldo Balkman, Andray Blatche at ang Fil-Am na si Mikey Willians buhat pa noon. Wala namang pagsidlan ang lubos na kasiyahan ni coach Charles Tiu dahil sa nakuhang tagumpay ng koponan.

“It’s great! It’s a great feeling as we made up for a heartbreak­ing loss in the semis last year. This year it feels nice,” ani Tiu.

Ang pagwalis sa nasabing torneo ay ikatlong tagumapy ng Mighty Sports’ buhat noong Taiwan Jones Cup noong 2016 at 2019.“We

are overjoyed with the team’s latest achievemen­t, we never thought to win the event much more by a sweep despite the short time of preparatio­n,” pahayag naman ng may-ari ng koponan na si Alexander Wongchukin­g. “Given another chance, we will continue to compete here or even in Taiwan just to give Filipino migrant workers a different entertainm­ent.”

Pinangunah­an ni Balkman ang koponang sa kanyang naibuslo na 25 puntos kasama ang 9 rebounds habang si Blatche naman ay may 21 puntos na naiambag kasama ang 10 rebounds.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines