Balita

Curry, posibleng makalaro na sa Marso

-

CLEVELAND — Posibleng makabalik na sa paglalaro ang Golden State Warriors star guard na si Stephen Curry sa paglalaro ngayong Marso, gayung halos magaling na ang kanyang natamo na injury na baliwang kaliwang kamay.

Natamo ni Curry ang nasabing injury noong Oktubre 30 sa ikaapat na laro pa lamang ng liga sa kasalukuya­ng NBA season, kung saan agad siyang inoperahan matapos ang dalawang araw.

“He’s made some big strides,” pahayag ni Warriors coach na si Steve Kerr. “I guess the word is a month away from having another evaluation. We’re really hopeful that around that time he’ll be able to play. We’ll determine that around March 1,” aniya.

Sinabi pa ni Kerr na kasama ng koponan si Curry sa kanilang ensayo ngunit ito ay mga non-contact at individual drills lamang upang mapag-ingatan pa rin ang nasabing kamay.

“He needs to progress over the next month to lot of action, one-on-one, three-on-three, five-on five. That’s all part of the plan,” ani Kerr.

Kasalukuya­ng may 10-39 win/loss record ang Golden State, na hindi kagandahan­g record sa NBA gayung nawala ang kanilang two-time MVP na siyang namuno sa Warriors sa kanilang tatlong titulo at limang sunod na Finals appearance­s.

Si Curry ay may average na 23.5 puntos sa loob ng 11 seasons. “It’s good to see Steph on the floor and on the sidelines with the team and traveling.The mood is brighter when Steph is around. He’s giving the young guys a lot of words of wisdom,” ani Kerr. Ang Warriors at Cavaliers ay palaging naghaharap sa Finals taon-taon buhat noong 2015 hanggang 18, ngunit kapuwa hirap na makabawi ngayong kasalukuya­ng season. Limang sunod na talo ang naitala ng Golden State kasama ang 10 sunod sa homecourt ng kalaban, habang ang Cleveland naman ay bigo ng siyam na sunod sa kanilang homecourt at may talo na 14 of 17 overall.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines