Balita

Suspensyon ni Abueva, inaasahan na matatapos na

- Ni Tito Talao

ROME — Umaasa si Phoenix Fuel governor Raymond Zorrilla na matapos na ang indefinite suspension na ipinataw ng Board kay Calvin Abueva.

Ayon kay Zorilla, hanada umano ang Board na bigyan pa ng ikalawang pagkakatao­n ang nagkamalin­g PBA star na si Abueva.

“We’re ready to give him a second chance, we believe in that,”

pahayag ni Zorrilla sa naganap na PBA board planning at program session sa Milan nitong Sabado.

“It will happen when it happens,” aniya. “I just hope it happens sooner kasi sole breadwinne­r siya e.

Pamilyadon­g tao. We’re helping in some small way but not by giving him a salary even if he’s suspended.”

Pinatawan ni PBA commission­er Willie Marcial ng suspensyon si Abueva matapos ang di kaaya-ayang courtside incident kontra sa manlalaro ng Blackwater na si Ray Parks Jr. at ang kasintahan ni sa isang laro noong ring a Commission­er’s Cup nitong Mayo, bukod pa sa isang flagrant foul na kanyang ginawa sa import ng TNT KaTropa na si

Terrence Jones, ilang araw ang nakalipas.

Aktibo pa rin ang nasabing indefinite suspension kung saan ayon sa PBA hangga’t hindi natutuguna­n ni Abueva ang ilang kondisyon ay mananatili ang nasabing parusa sa manlalaro.

“Marami pang na-set na conditions para niya gawin bago ako

mag-recommend sa board,” ani Marcial.

Ayon naman kay Zorrilla marami ang tagahanga ng Phoenix ang

naghihinta­y sa pagbabalik ni Abueva at umaasa na matapos na ag kanyang suspnesyon.

“There’s no need [for Abueva] to justify the past, but he has to reform,” ayon pa kay Zorrilla.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines