Balita

Yulo, tatanggap ng President’s Award sa SMC-PSA Annual Awards Night

- Ni ANNIE ABAD

Matapos na magbigay ng sunud-sunod na karangalan sa bansa, ito naman ang panahon upang kilalanin ang galing at kabayaniha­n ng superstar gymnast ng bansa na si Carlos Edriel Yulo.

Nitong darating na Marso 6, bibigyang parangal ng Philippine

Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) ang 19- anyos na si Yulo, kung saan tatanggapi­n niya ang President’s Award sa SMCPilippi­ne Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) Annuaal Awards Night na gaganapin sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Ito ay bilang pagkilala sa mga karangalan­g iniuwi ni Yulo buhat sa kanyang mga nilahokan na gymnastics competitio­ns. si Yulo ay nagwagi ng ginton gmedalya buhat sa men’s floor exercise ng World Artistic Gymnastics Championsh­ips na ginanap sa Stuttgart, Germany noong nakaraang taon, ngunit bago ito ay siya ang kauna-unahang Filipino gymnast na nakakuha ng medalya sa nasabing kompetisyo­n kung saan nagwagi siya ng bronze medal noong 2018.

Dahil dito ay nakasiguro ng tiket ang Batang Maynila na si Yulo para sa 2020 Tokyo Olympics ngayong darating na Hulyo.

Bukod dito ay hindi din binigo ni Yulo ang Filipino crowd na nanonood ng kanyang performanc­e sa 2019 Philippine SEA Games kung saan nakakuha siya ng dalawang gintong medalya at limang silvers.

Makakasama ni Yulo sa gabi ng parangal ang mga kilalang personalid­ad na bibigyang pugay din ng PSA gaya nina Efren “Bata” Reyes na tatanggap ng Lifetime Achivement Award, ang businessma­n-tycoon na si Manny V. Pangilinan, ang National University Lady Bulldogs na nakakuha ng sunud-sunod na titulo, ang billiards champions na sina Rubilen

Amit at Dennis Orcollo at ang slalom racing champ na si Milo Rivera.

Ang PSA ay kasalukuya­ng pinamumunu­an bilang presidente ni Tito Talao na sports editor ng Manila Bulletin.

 ??  ?? Yulo
Yulo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines