OFWs sa HK, apektado sa ban

Balita - - Front Page - Leslie Ann G. Aquino

Libu-libong Filipino domestic helpers mula sa Hong Kong at Macau ang maaaring mawalan ng trabaho kapag hindi naresolba ang travel ban at kawalan ng flights patungo sa mga nabanggit na rehiyon sa katapusan ng Pebrero.

Ito ay ayon kay Mr. Alfredo Palmiery, president ng Society of Hong Kong Accredited Recruiters of the Philippine­s (Sharp).

“10,000 household service workers who are on vacation and have travel documents from the POEA as Balik-Mangagawa OECs (overseas employment certificat­e) will lose their current jobs with HK employers if they cannot return on time as they have only two weeks vacation given to them by their employers,” nakasaad sa kanyang pahayag.

Sinabi ni Palmiery na ang 15,000 HSW na may mga bagong kontrata para sa employers sa Hong Kong ay mayroon na lamang tatlong linggo para lumipad patungong Hong Kong para mamasukan sa kanilang mga bagong amo.

Nauna rito ay inutusan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang OWWA na magbigay ng monetary assistance sa stranded workers at accommodat­ion hanggang sa maialis ang ban at magbalik ang flights ng major carriers na PAL at Cebu Pacific.

Gayunman sinabi ng recruitmen­t consultant na si Emmanuel Geslani na nagreklamo ang mga manggawa na ang nais lamang nila ay makapunta sa naghihinta­y nilang trabaho sa Hong Kong at Macau.

“There are 250,000 Filipino domestic helpers in Hong Kong and Macau are very much worried about losing their jobs if the Philippine government stops them from returning to their jobs in Hong Kong and Macau over a travel ban imposed on all Filipinos traveling to the two SAR of China because of the novel coronaviru­s now spreading to all of Asia and in some parts of the world,” aniya.

Matatandaa­n na mayroong 300 OFWs, karamihan ay patungong Hong Kong at Macau, ang stranded sa mga paliparan nitong Lunes kasuunod ng pagbaba ng travel ban ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend dahil sa banta ng 2019 nCoV mula sa China na makarating sa Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.