Netizens kay Sharon: ‘Wag idaan sa socmed ang problema

Balita - - Front Page - Nitz Miralles

NAPANSIN ng netizens ang sunudsunod na post ni Sharon Cuneta about her family and about her kids. Ang dating noon sa netizens, sagot niya ito sa dinner date nina Gabby Concepcion at KC Concepcion at sa pagpo-post ni Gabby ng baby photo ni KC at pictures ni KC noong bata pa ito.

May post pa si Sharon ng galing sa Book of Deuteronom­y na ang number 16 ay nagsasabin­g “Honor your father and your mother, as the LORD your God has commended you, so that you may live long and that it may go well with you in the land the LORD your God is giving you.”

Kinowt din ni Sharon ang Proverbs 11:29 number 29 na ang sabi “Whoever brings ruin on their family will inherit only wind, and the fool will be servant to the wise.”

Nag-quote rin si Sharon ng galing sa Psalm 34:18 na “The LORD is close to the brokenhear­ted and saves those who are crushed in spirit” at Psalm 147:3 na “He heals the brokenhear­ted and binds up their wounds.”

Ang caption ni Sharon sa post na ito ay “I feel much better now. Thank you for all your prayers!” Nakumpirma na may pinagdadaa­nan siya at kung dahil kay KC, hindi niya sinabi.

Pero ang kanyang followers, malakas ang pang-amoy at ang payo nila kay Sharon, ‘wag sa socmed niya idaan ang tampo kay KC, mag-usap silang dalawa. Lalo lang daw lalayo si KC kung panay ang post niya. Lalo na at pinost ni Sharon ang family photo nila noong New Year’s Eve, December 31, 2019 at photos with her family sa kanilang farm noong January 1, 2020 kasama ang mga kapatid ni Sen. Kiko Pangilinan with their respective families. In both occasions, wala si KC. Anyway, pare-pareho tayong umaasa na maayos na nina Sharon at KC anuman ang problema nila. But of course, kailangan muna nilang magkita at mag-usap bago nila maayos ang kanilang tampuhan ba o ‘di pagkakauna­waan.

Sharon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.