Amyenda sa 1987 Constituti­on pagbobotoh­an sa Pebrero 19

Balita - - News - Charissa M. Luci-Atienza

Pagbobotoh­an ng House Committee on Constituti­onal Amendments ang mga panukalang pagbabago sa 1987 Constituti­on per provision sa Pebrero 19, Miyerkules.

Inilahad ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, panel chairman, na ang panel voting sa constituti­onal amendments ay isasagawa matapos nilang magpulong kasama ang business sector para hilingin ang kanilang posisyon sa Charter change sa susunod na linggo.

“It will be on February 19 on the different features. The voting will be per item,” aniya sa mga mamamahaya­g sa panayam matapos i-brief ng Inter-Agency Task Force on Constituti­onal Reform ang mga miyembro ng panel members sa kanilang panukalang amendment sa 32-taong Constituti­on.

Binanggit niya na ang Chairman’s draft na isinama ang amendments ng panel members at Task Force ay pabobotoha­n sa Pebrero 19 at aaprubahan ng komite sa Pebrero 26 para iendorso ang Charter change measure sa plenary debate at approval

“So by March, we can start the plenary discussion,” aniya. “After we approve this, we talk to Senator [Kiko] Pangilinan.”

Si Pangilinan ang chairman ng Senate Committee on Constituti­onal Amendments and Revision of Codes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.