Holdaper, utas sa Maguindana­o shootout

Balita - - News - Ni FER TABOY

Patay ang isang pinaghihin­alaang holdaper nang makipagbar­ilan umano sa mga awtoridad matapos holdapin ang isang pampasaher­ong bus sa Shariff Aguak, Maguindana­o, kamakailan.

Nakilala ang napatay na si Sammy Upahm, 37, may asawa at taga-Mamasapano ng nabanggit na lalawigan.

Sa ulat ng Maguindana­o Provincial Police Office (MPPO), pumasok umano ang suspek sa terminal ng Shariff Aguak at sumampa sa isang bus kung saan nagpahayag ng panghohold­ap.

Agad na nagrespond­e ang mga awtoridad at lumaban umano ito nang tangkain siyang pasukuin.

Ayon pa sa pulisya, biglang bumunot ng baril si Upahm at pinaputuka­n ang mga pulis.

Dead on arrival si Upahm sa Maguindana­o Provincial Hospital dahil sa tama ng mga bala sa katawan.

Sinabi ng pulisya na sangkot ang suspek sa pang-aagaw ng armas sa Cotabato City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.