Bea at Alden, spotted in Bali

Balita - - Showbiz - Nitz Miralles

DAHIL sa photos nina Bea Alonzo at Alden Richards na kumalat online na nasa airport sa Bangkok, nalaman na si Bea ang Kapamilya actress na nakasama ni Alden sa TVC shoot sa Thailand. Ayaw man ng ad agency na maagang malaman ang tungkol dito, wala silang magagawa dahil kumalat na ang pictures ng dalawa.

Ang iingatan na lang ng ad agency ay ang malaman kung anong produkto ang sabay na i-i-endorse nina Bea at Alden. Sana nga hindi kumalat hanggang mai-launch ang produkto.

Kahit sa endorsemen­t pa lang nagkasama sina Alden at Bea, siguradong tuwang-tuwa si Alden dahil noon pa nito pinangarap na makatrabah­o si Bea. Idol niya ito at si John Lloyd Cruz at pinanood ang mga pelikula ng dalawa. Malay nating lahat na pagkatapos ng endorsemen­t, pelikula naman ang gawin nina Bea at Alden.

Samantala, last Wednsday na ngayon ng teleserye ni Alden na The Gift at sa Friday na ang ending ng sabi ng aktor, pinakamata­gal niyang teleserye. Umabot ng seven months ang trabaho niya mula sa first day taping hanggang sa last taping day.

Ang inaabangan nang sumubaybay sa The Gift ay ang magiging reaction ni Sep (Alden) ‘pag nalaman ng si Nadia (Jean Garcia) ang tunay niyang ina. As of yesterday’s episode, si Nadia pa lang ang nakakaalam na anak niya si Sep.

Sa February 16, mapapanood naman si Alden na host ng Centerstag­e kasama si Betong Sumaya na kanyang co-host. Sina Pops Fernandez, Mel Villena at Aicelle Santos ang judges sa singing competitio­n for the kids.

Alden at Bea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.