‘Hamilton’ musical ipalalabas sa cinemas

Balita - - Showbiz -

NEW YORK – Maaari nang mapanood sa big screen ang smash hit musical na Hamilton sa 2021, inanunsiyo ng creator nitong Lunes.

Nakilala ang show bilang isa sa highest grossing Broadway musicals of all time mulanang mag-debut ito noong 2015—tampok ang kuwento ni Alexander Hamilton, isa sa founding fathers ng United States.

Ayon kay Lin-Manuel Miranda, na bumida sa Hamilton, ang pelikula ay isang live performanc­e ng show sa New York’s Richard Rodgers Theatre na binubuo ng original cast.

It will be distribute­d by Disney at nakatakdan­g i-released sa October 15, 2021, ayon sa tweet nito. Sa ulat naman ng

Variety magazine, magkakaroo­n umano ito ng theatrical runs sa US at Canada.

Nakapagtal­a ang “Hamilton” ng higit $633 million sa box office receipts at napanood ng nasa 2.5 million people sa New York mula sa ipalabas ito sa Broadway noong August 2015, ayon sa Broadway.com.

Samantala, nagkaroon na rin ng production ng “Hamilton” London’s West End mula noong 2017 at isang three-year tour show na nagtapos kamakailan sa Chicago.

Mixing political history with rap and hip hop, tumanggap na ang palabas ng 11 Tony Awards noong 2016, kabilang ang best musical.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.