SCUAA III Olympics sa NCC

Balita - - Sports - Annie Abad

MGA premyadong atleta mula sa Central Luzon ang nagtipon sa New Clark City para sa Opening Ceremony of the State Colleges and Universiti­es Athletic Associatio­n (SCUAA) III Olympics.

Ang mga kalahok buhat sa 13 eskuwelaha­n ay pumarada sa Athletics Stadium nitong Linggo sa seremonya na dinaluhan din ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Capas at host school Tarlac State University.

Ang SCUAA III Olympics ay tatagal ng anim na araw buhat kahapon hanggang sa Pebrero 8 kung saan tampok ang mga sports na athletics at swimming na gaganapin sa 20,000-seater Athletics Stadium at 2,000seater Aquatics Center.

“Deka-dekada na ang lumipas na wala tayong world-class facilities para sa ating mga atleta. Ngayon meron na, dapat lang magamit ito at pakinabang­an ng ating mga kababayan lalo na ang mga kabataan at tingin ko lalong gaganahan ang ating mga atleta, lalo na ang mga future medalists natin,” pahayag ni BCDA President at CEO na si Vince Dizon.

“Nakikita niyo naman ang salita ni Pangulong Duterte ay hindi lamang naiiwanang salita. Itong mga sports facilities dito sa New Clark City ay patunay ng kanyang commitment na gawing priority ang sports developmen­t sa buong bansa,” aniya.

Kabilang sa 13 Unibersida­d at Kolehiyo na lumahok ay ang Tarlac State University, Aurora State College of Technology, Bataan Peninsula State University, Bulacan Agricultur­al State College, Bulacan State University, Central Luzon State University, Don Honorio Ventura State University, Nueva Ejica University of Science and Technology, Philippine Merchant Marine Academy, Pampanga State Agricultur­al University, Philippine State College of Aeronautic­s, President Ramon Magsaysay State University, at ange Tarlac Agricultur­al University.

“Masayang masaya kami na ginawang venue ito ng state universiti­es and colleges kasi itong mga facilities na ito, kagaya ng sinasabi natin last year, hindi lang para sa SEA Games. Mas importante, ito ay para sa ating mga kabataan at future athletes,” ayon pa kay Dizon.

Kabuuang 18 sporting events ang lalaruin sa SCUAA III Olympics kasama ang arnis, archery, athletics, badminton, basketball, baseball, beach volleyball, boxing, chess, football, futsal, karatedo, lawn tennis, sepak takraw, softball, swimming, table tennis at volleyball.

Ang magwawagi na sa nasabing SCUAA Region III ay lalaban naman sa SCUAA national games na nakatakda sa susunod na buwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.