WALASTIK!

Philippine B.E.S.T swimmers, nangulat sa Tokyo tilt

Balita - - Sports - Ni EDWIN ROLLON

TUNAY na may paglalagya­n ang batang

Pinoy sa internatio­nal competitio­n kung may matibay na suporta at pagkakaisa sa swimming community.

Impresibo ang kampanya ng Philippine B.E.S.T (Behrouz Elite Swim Team) junior squad sa napagwagih­ang 18 medalya, tampok ang walong ginto sa 2020 Tokyo Swimming Winter Championsh­ips nitong weekend sa St. Mary’s Internatio­nal School sa

Setagaya, Tokyo, Japan.

Pinangunah­an ni Cambodia-based Enkhmend Enkmend ang ratsada ng batang

Pinoy sa napagwagih­ang tatlong ginto, habang kumana ng dalawa si Brendan Viñas at may tig-isang gintong medalya sina JahZeel Rosario, Dawn Martina Camacho at Ashley Anne Alvarez sa torneo na nilahukan ng may 15 club at school team.

Nanguna ang 10-anyos na si Enkhmend sa boys 9-10 class 100m Breaststro­ke sa tyempong isang minuto at 33.75 segundo laban kina Japanese Kenjiro Koya (1:39.34) at Sho Sendai (1:41.49).

Hataw din ang Grade 6 student ng Panyathip Internatio­nal School Cambodia sa 200-m Individual Medley (3:05.88) kontra Kenjiro Koya (3:10.41) at Zen Twohig (3:16.70), gayundin sa 50-m breaststro­ke para kompletuhi­n ang three-event duel sweep kay Koya. Bunsod nito, tinanghal siyang Most Outstandin­g Swimmer sa boys 9-10 category.

Hataw naman si Viñas sa boys 11-12 class 100-meter Fly at 50-meter Fly bukod sa bronze medal sa 100-m Breast, habang nakopo ni Rosario, Grade 8 student sa Bristol Integrated School ang ginto sa 100-m Breaststro­ke boys 13-14 class (1:17.14) kontra sa kambal niyang si Jah-Leel (1:26.60) at American Gray West (1:21.93).

Humirit si Camacho sa girls 11-12 100 Fly at nakakuha ng silver medal sa 50 Fly event, habang nanguna si Alvarez sa girls 12-13 class 200 Fly.

“It’s a huge effort on the part of our young swimmers with the strict guidance of coach Rossbenor Antay and Johnson Maulion as well as delegation head Marilet Basa. We are so very proud.’ Yun target namin talaga eh! makakuha sila ng experience, masyado pong ginalingan at naguwi pa kami ng medalya,” pabirong pahayag ni team manager Joan Mojdeh.

Ang Philippine B.E.S.T Team ay affiliated sa Philippine Swimming Inc. (PSI) at suportado ng Behrouz Persian Cuisine, sa pakikipagt­ulungan ng Filipino-Japanese Community sa Tokyo na pinamumunu­an ni Myles Briones-Beltran at Mama Aki Marilyn Mabansag Yokokoj ng Ihawan Shinjuku.

Ang ibang pang nagmedalya ay sina Iris justine Salagubang ( 13-14, 200-m Silver), Girls 11-12 200 Medley Relay- Silver (Ashley Alvarez, Stephanie Elumbaring, Martina Camacho, Faith Manalo), Michelle Toni Murphy ( 9-10 100 Breast- Silver, 9-10 50 Breast – Silver), Faith Manalo (11-12 100 Back – Silver, 11-12 50 Back – Bronze).

IBINIDA ng mga batang swimmers mula sa Behrouz Elite Swimming Team ang mga medalya at sertipiko matapos kumasa sa hamon ng mga karibal sa 2020 Tokyo Swimming Winter Championsh­ip nitong weekend sa Setagaya. Kasama rin sa koponan sina delegation head Marilet Basa (dulong kaliwa) at coach Rossbenor Antay at Johnson Maulion.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.