Tsukii, hahabol sa Olympic qualifier

Balita - - Sports - Annie Abad

ASAHAN na magiging abala ang pambato ng Pilipinas sa karate na si Junna Tsukii sa pagsabak sa magkakasun­od na Olympics qualifying para makumpleto ang hinahangad­napuntospa­ra sa 2020 Tokyo Games.

Ayon sa Fil-Japanese, malaki ang kanyang tsansa na makalusot sa Olympics kung malalahuka­n ang mga torneo abroad na nagbibigay ng ranking points para sa quadrennia­l Games.

“There is a strong chance of me to qualify in Tokyo Games. I still have to go through the qualifiers but with hard work and determinat­ion we will get there,” pahayag ni Tsukii.

Sasabak sa mga qualifying Olympic event ang 29-anyos na si Tsukii tulad ng Karate 1 Premier League tournament­s na gaganapin sa Dubai ngayong Pebrero 14-16, kasunod ang torneo sa Austria na gaganapin sa Pebrero29h­anggangMar­so 1, ang labanan sa Morocco sa Marso 13 hanggang 15 at sa Spain sa Abril 19.

Mahahalaga­ng puntos ang kailangan ni Tsukii buhat sa mga nasabing kompetisyo­n upang maiangat ang kanyang ranking at makakuha ng tiket patungong Tokyo Japan nitong Hulyo.

Sakaling kapusin si Tsukii, may isa pa siyang tournament na sasabakan ngayong Mayo na gaganapin sa Paris France.

Buong suporta naman ang nakukuha ngayon ng nasabing karateka buhat sa Philippine Sports Commission (PSC), kung saan handang balikatin lahat ng kanyang byahe, maisulong lamang ang paglahok sa palaro ng buong mundo.

Kamakailan lamang nang magwagi si Tsukii ng dalawnag bronze buhat sa Paris, bagama’t nauna dito ang gintong medalya na kanyang nasungkit sa kampanya ng bansa para sa 2019 SEA Games, dalawnag buwan na ang nakakalipa­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.