Trump, pinaaabsuw­elto

Balita - - Front Page -

WASHINGTON (AFP) – Nanawagan ang isang Democratic senator nitong Lunes na i-censure si Donald Trump kaugnay sa Ukraine

scandal, sinabi na ang US president ay dapat na pormal na disiplinah­in kahit na siya ay maabsuwelt­o sa impeachmen­t trial.

Sinabi ni West Virginia Senator Joe Manchin na kahit na malakas ang ebidensiya na inabuso ni Trump ang kanyang kapangyari­han para humingi ng suportang politikal mula sa Ukraine, hindi pa rin iko-convict ng Republican-dominated Senate ang pangulo sa botohan sa Miyerkules.

‘’I see no path to the 67 votes required to impeach President Trump and haven’t since this trial started,’’ ani Manchin sa Senate floor, na ang tinutukoy ay ang supermajor­ity na required para sa conviction sa 100-member Senate.

‘’I do believe a bipartisan majority of this body would vote to censure President Trump for his actions in this matter,’’ aniya.

Ang censure ay magpapahin­tulot din sa mga senador ‘’[to] unite across party lines, and as an equal branch of this government’’ sa pagkondena sa ‘’unacceptab­le behavior’’ ni Trump, katwiran ni Manchin.

Isang president pa lamang sa kasaysayan ang na-censure, si Andrew Jackson noong 1834, kaugnay sa kanyang pagtutol sa early version ng US central bank.

Hindi pa malinaw kung kailan isusumite ang Manchins censure bill.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.