Alitang Trump-Pelosi sumabog sa SOTU

Balita - - News -

WASHINGTON (Reuters) – Umapaw ang kumukulong alitan nina U.S. President Donald Trump at top Democrat Nancy Pelosi sa State of the Union speech ng nauna nitong Martes, sa pagtanggi ni Trump na kamayan ang Speaker at pagpunit naman ni Pelosi sa kopya ng speech ng Pangulo mula sa kanyang likuran.

Iniwasan ni Trump na pag-usapan ang kanyang impeachmen­t sa 80-minutong talumpati, ngunit halata ang mga sugat sa pagbigay ng mga kapwa niya Republican­s ng ovations habang nananatili­ng nakaupo ang Democrats sa halos kabuuan ng talumpati.

Inaasahan nang i-acquit siya ng Republican-led Senate sa mga kasong inabuso niya ang kanyang kapangyari­han at hinarang ang Congress, sa botohan dakong 4 p.m. EST (2100 GMT) nitong Miyerkules.

Nakita si Pelosi, ang U.S. House of Representa­tives speaker, sa unang pagkakatao­n simula nang mag-walkout ito sa White House meeting apat na taon na ang nakalipas, tumanggi si Trump na makipagkam­ay nang iabot niya ang paper copy ng kanyang talumpati bago magsalita.

Kahit na hindi sila nag-usap ni Trump simula ng huling pagpupulon­g, tila nagulat si Pelosi sa ginawa ng pangulo. Iniwasan ni Pelosi na banggitin ang customary “high privilege and distinct honor” na madalas kasama sa pagpapakil­ala ng speaker sa pangulo sa Congress.

“Members of Congress, the President of the United States” lamang ang kanyang sinabi nang ipakilala si Trump.

Nang magtapos ang talumpati ni Trump, tumayo si Pelosi at pinunit ang kanyang kopya ng talumpati na iniabot nito sa kanya, kalaunan ay sinabi niya sa reporters na ito ay “the courteous thing to do, considerin­g the alternativ­e.”

Ang komento ni Kayleigh McEnany, campaign spokeswoma­n ni Trump, kay Pelosi: “Her hatred for @realdonald­trump has blinded her to the repulsive nature of her smug, elitist behavior.”

‘FOUR MORE YEARS’

Sa pagsisimul­a nya ng talumpati, sumigaw ang Republican­s mula sa dalawang kapulungan ng Congress na “four more years” habang nakatayo si Trump sa lectern sa chamber ng House.

Tahimik lang na naupo ang Democrats at ang ilan ay makikitang iiling-iling habang idineklara ni Trump na, “The state of our union is stronger than ever before.”

Iprinisint­a ni Trump ang sarili na isang malaking improvemen­t kay Democratic President Barack Obama, ang kanyang pinalitan tatlong taon na ang nakalipas, sinabi na pinalakas niya ang U.S. economic growth at dinagdagan ang mga trabaho.

“In just three short years we have shattered the mentality of American decline and we have rejected the downsizing of America’s destiny,” aniya.

Binuhay din ni Trump ang kanyang mga argumento na dapat pigilin ang migrants sa pagtawid sa U.S. border sa katimugan at iginiit na mali ang mga tinatawag na “sanctuary cities” kung saan protektado ang migrants. Ang kanyang immigratio­n policies ay kinontra ng Democrats.

Makikita si Pelosi na umiiling habang inilalatag ni Trump ang kanyang mga pananaw sa immigratio­n.

At matapos ang muntikan nang pakipagdig­ma sa Iran nang ipag-utos niya ang pagpatay sa Iranian military commander na si Qassem Soleimani, sinabi ni Trump na, “We are working to end America’s wars in the Middle East.”

REUTERS

OKAY! Pinupunit ni Speaker of the House Nancy Pelosi ang kopya ng talumpati ni U.S. President Donald Trump matapos ang State of the Union address nito sa joint session ng U.S. Congress sa House Chamber ng U.S. Capitol sa Washington, U.S. nitong Pebrero 4, 2020.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.