World Bank, ibababa ang global growth forecast

Balita - - News -

WASHINGTON (AFP) – Rerebisahi­n ng World Bank ang kanyang global growth forecast pababa

, dahil sa bagong coronaviru­s, sinabi ng president ng multilater­al lender nitong Martes, sa gitna ng mga pangamba na maaapektuh­an ng epidemya sa China global supply chains.

Tinaya ng World Bank na babawi ang global growth ngayong taon matapos humupa ang trade tensions sa pagitan ng US at China na nag-ambag sa pagbaba noong 2019.

Ngunit nagbabala si World Bank President David Malpass na ang virus ay isang malaking banta sa prediction.

‘’There will be a lowering of forecasts for at least the first part of 2020, in part due to the China, in part due to the supply chains,’’ ani Malpass

Tinaya ng World Bank na lalago ang economic outlook ng world economy sa 2.5 porsiyento ngayong taon mula 2.4% noong 2019.

Tinatalaka­y ni Malpass ang economic outlook lay Janet Yellen, dating chair ng US Federal Reserve, na sumang-ayon na hihina ang paglago dahil sa virus.

Nitong Lunes ay nanawagan ang World Bank sa mga bansa na palakasin ang kanilang ‘’health surveillan­ce and response systems,’’ at sinabing tinitingna­n nito kung anong resources at expertise ang maaari nitong maiambag para malabanan ang sakit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.