Permanente­ng relokasyon para sa mga residente ng Taal

Balita - - Opinyon -

SINISIMULA­N na ng pamahalaan ang hakbang upang makapagbig­ay ng permanente­ng relokasyon sa mga residente na nasa loob ng seven-kilometer radius danger zone malapit sa Bulkang Taal, pagbabahag­i ni Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong Martes.

Sa isang media forum na idinaos sa Kamuning, Quezon City, sinabi Nograles na nasa 5,000 pamilya na naniniraha­n sa dalawang bayan ng Batangas na matinding naapektuha­n ng pagputok ng Taal, ang posibleng hindi payagan na makabalik sa kani-kanilang mga bahay.

“Basically, we’re preparing for the worst. Lahat, ina-anticipate na kasi natin (We anticipate everything). So, the way this administra­tion, the government works is we try to anticipate everything, create contingenc­y measures, whatever contingenc­ies may come,” pahayag ni Nograles.

“Given what’s been happening to Taal, it may seem that we’re headed towards declaring the seven-kilometer radius as something na hindi na natin pwedeng pabalikin ang mga residente doon,”dagdag pa niya.

Dagdag pa ng opisyal, nasa desisyon pa rin ni Pangulong Duterte kung maisasakat­uparan ang mungkahing permanente­ng relokasyon para sa mga pamilyang naniniraha­n sa loob ng danger zone.

Nasa 199 barangay at 15 munisipali­dad at siyudad at isinailali­m sa total lockdown sa Batangas at Cavite, nang magbuga ng makapal na abo ang bulking Taal noong Enero 12.

Nasa higit 300,000 residente mula sa paligid ng Taal ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan, bagamat karamihan sa mga ito ay nakabalik na, makaraang ibaba ng Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs) alert status ng Taal, mula Alert Level 4 patungong 3 nitong Enero 26.

Sa pagbabahag­i pa ni Nograles, posible aniyang ilipat ang mga residente sa housing units sa Laguna, Cavite, at Bulacan.

Siniguro rin nito na magbibigay sila ng tulong pangkabuha­yan para sa mga biktima.

“The government has already identified over 5,000 housing projects in nearby provinces in Laguna, Cavite, Bulacan na pwede na nating i-transfer,” anito.

“Kapag ni-relocate natin sila doon, kasama sa relocation package yung livelihood package,” dagdag ni Nograles.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.