Alden, walang break after ng serye

Balita - - Showbiz - Ni NITZ MIRALLES

RATSADA si Alden Richards sa endorsemen­t ngayon dahil hindi pa man nalu-launch ang TVC ng endorsemen­t nila ni Bea Alonzo, inilabas naman ng Century Tuna ang teaser ng bagong endosers nila na kanilang pinahulaan sa netizens.

Ang bagong endorsers ng Century Tuna ay sina Alden at Nadine Lustre and in fairness, sa teaser pa lang na kahit silhouette ng photo ng dalawa, alam agad na sina Alden at Nadine ang bagong endorsers.

Kaya pala nagwu-workout si Alden para lumabas ang abs dahil nga mag-iendorse ng Century Tuna na kailangang may photo shoot na hubad siya at makikita ang abs at muscles sa braso.

Nang makausap si Alden sa contract signing at launching niya na endorser ng

Embassy Whisky, nabanggit na apat ang new endorsemen­ts niya. May endorsemen­t sila ni Bea Alonzo, may Century Tuna endorsemen­t sila ni Nadine, ibig sabihin, may dalawa pa siyang bagong endorsemen­t at hintayin natin ang launching nila.

Samantala, last Wednesday na ngayon ng teleseryen­g The Gift na pinagbidah­an ni Alden at masaya ang SepGa shippers nina Alden at Sophie Albert dahil natupad ang wish nilang sa ending ng teleserye magka-love life si Sep (Alden).

A week after ng ending ng The Gift, magpa-pilot naman sa February 6, ang singing competitio­n for the kids na Centerstag­e kung saan, co-host ni Alden si Betong Sumaya. Judges sina Pops Fernandez, Mel Villena at Aicelle Santos.

Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.