Lady Gaga kinumpirma ang bagong relasyon

Balita - - Showbiz - Michael at Lady Gaga

KINUMPIRMA ni Lady Gaga ang reports na dating na sila ngayon ng entrepeneu­r guy Michael Polansky sa pamamagita­n ng paglantad sa Instagram.

Sa ulat ng Cover Media, spotted ang Just Dance hitmaker habang nakikipagh­alikan sa isang lalaki na kinilala na Parker Group chief executive at philanthro­pist sa isang hotel balcony sa Miami,

Florida bago ang kanyang pre-Super Bowl performanc­e nitong Sabado, at mabilis ding kinumpirma ang balita.

Ibinahagi ni Gaga ang photo nilang dalawa habang nakaupo siya sa lap ng negosyante habang nasa isang boat, at may caption na, “We had so much fun in Miami. Love to all my little monsters and fans, you’re the best!”

Gayunman, hindi naman pinangalan­an o nai-tag ng singer ang new man sa post.

Una rito, spotted din ang dalawa while holding hands and kissing sa Las Vegas noong New Year’s Eve.

“She’s been dating the same guy for over a month. They’ve been seeing each other since before the holidays and she’s crazy about him,” pagbabahag­i ng source sa E! News. “He’s the same guy she spent New Year’s with and they had already been seeing each other for a weeks.”

Una nang na-engaged ang Poker Face singer sa dati niyang talent agent, na si Christian Carino, na naging karelasyon niya mula noong February, 2017 hanggang sa maghiwalay ang dalawa two years later. Na-engaged din si Gaga kay Taylor Kinney hanggang sa maghiwalay sila noong July, 2016.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.