‘90210’ star Shannen Doherty, bumalik ang cancer

Balita - - Showbiz -

NA-DIAGNOSE ang aktres na si Shannen Doherty, ang bumida sa US hit television shows na Beverly Hills, 90210 at Charmed, with stage-four breast cancer.

Inilarawan ng 48year-old actress ang pagbabalik ng kanyang cancer makalipas ang tatlong taon ng remission as “bitter pill to swallow,” sa isang panayam nitong Martes.

“My cancer came back, and that’s why I’m here,” pagbabahag­i niya sa ABC News program Good Morning America. “I don’t think I’ve processed it.”

Natuklasan ang pagbalik ng kanyang sakit, ilang buwan matapos pumanaw ang kanyang “90210” co-star na si Luke Perry noong Marso.

Dating sikat na couple sina Luke at Shannen sa teen drama.

Tumanggal ang show nila ng 10 season mula 1990 to 2000, tampok ang buhay at “romantic entangleme­nts” ng mga teenagers na naniniraha­n sa affluent area ng Los Angeles.

Naging huge internatio­nal hit ang palabas, bagamat umalis sa show ang aktres, na gumaganap bilang sassy

Brenda Walsh, after four seasons noong 1994 dahil sa hindi pakikipagk­asundo sa mga script writers.

Noong 1998, nagbalik sa small screen ang aktres bilang witch sa Charmed at muling nakuha ang kanyang role sa 90210 spin-offs at reboots.

Inamin naman ni Shannen na inilihim niya ang sakit, habang nasa filming ng “90210” reboot bilang pagkilala kay Perry, at para ipakita sa fellow cancer patients na “our life doesn’t end the minute we get that diagnosis -- we still have some living to do.”

Unang napabalita ang pagkakaroo­n ng cancer ng aktres noong 2015 nang idemanda nito ang kanyang manager, “claiming her treatment was delayed as she couldn’t re-enroll in insurance.”

Ibinahagi rin siya sa social media ang naging buhay niya habang nilalabana­n ang sakit.

Ayon sa aktres, umabot na sa stage four ang kanyang cancer, na kalimitang nangangahu­lugan na kumalat na ito sa ibang bahagi ng katawan.

Shannen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.