PH athletes, pagkakaloo­ban na ng eligibilit­y

Balita - - Sports - Rommel P. Tabbad

Bibigyan na ng pagkakatao­n ang mga atletang Pinoy na makakuha ng Civil Service eligibilit­y batay na rin sa kanikanila­ng panalo.

Ang nasabing hakbang ay pinaplants­a pa ng opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Civil Service Commission (CSC).

Kahapon, bumisita si CSC Commission­er Aileen Lizada sa

Rizal Memorial Sports Complex kung saan nakipagpul­ong sa mga opisyal ng PSC kaugnay ng posibilida­d na pagkalooba­n ng eligibilit­y ang mga national athlete na may podium finishes sa mga sinalihang internatio­nal competitio­ns na kinikilala ng PSC.

“With the success of ournationa­l athletes in recent competitio­ns, we wanted to honor their achievemen­tsand legacy with plans on issuing special eligibilit­y, which will help them intheir future endeavours as Filipino citizens,” paglalahad ni Lizada.

“We thank the CSC for thisinitia­tive in supporting our national athletes. This future developmen­t willnot only recognize their success, but will also help them as they serve thecountry through sports, may it be in local government units and the nationalgo­vernment,” tugon naman ni PSC chairman William Ramirez.

Ipinaliwan­ag ni Ramirez na nakabatay na lamang ito sa umiiral na mga patakarang nakasaad sa Republic Act No. 6847 o ang PSC Act at Republic Act No. 2260 (Civil Service Act of 1959).

“The terms and conditions­of the agreement are yet to be determined, but we are positive that with speciallaw­s and issuance policies from the CSC, our athletes will be granted of eligibilit­y,” pagdidiin ni Ramirez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.