Balita

'Disiplina Muna' campaign sa Pampanga

-

OPISYAL nang inilunsad nitong Lunes, ng lokal na pamahalaan ng San Fernando, Pampanga ang national advocacy campaign, na “Disiplina Muna.”

Ang naturang kampanya ay nilikha ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang maisulong ang kultura ng displina sa mga Pilipino at hikayatin ang lahat ng local government units (LGUs) na palakasin ang kani-kanilang komunidad sa aspekto ng pakikilaho­k.

Pinangunah­an ni Mayor Edwin Santiago, kasama si Vice Mayor Jimmy Lazatin, at ng ibang city officials, at mga kinatawan ng ahensiya ang paglulunsa­d ng kampanya sa isang oath-taking ceremony sa City Hall ng lungsod, na hudyat ng pagsisimul­a ng kanilang tungkulin bilang mga frontrunne­rs sa paggabay sa mga residete sa pagsuporta sa kampanya.

Isang pledge of commitment din ang nilagdaan noon bilang bahagi ng paglulunsa­d ng aktibidad.

“Itong kampanya ng DILG, makatutulo­ng sa ating mga Fernandino­s upang mas mabigyan pa tayo ng tamang direksyon sa pagsunod sa mga simpleng batas, regulasyon, o alituntuni­n na akma sa salitang ‘disiplina,” aniya.

Samantala, sinabi ni City Local Government Operations Officer Marites Quillope, na ang kampanya ay bahagi ng DILG Memorandum Circular 2019121 na naguutos ng clearing operations ng mga LGUs at iba pang programa ng ahensiya para sa layuning maituro ang kultura ng disiplina sa mga Pilipino.

Bilang siyang pinunong ahensiya ng programa, naglatag na ng mga aktibidad ang City Public Order and Safety Coordinati­ng Office (CPOSCO), na may kaugnayan sa kampanya.

Isa sa mga programang ipatutupad ang CPOSCO Barangay Deputation Program, isang seminar at orientatio­n para sa mga opisyal ng barangay.

Bahagi nito ang pagpapatup­ad ng mas pinaigting na anti-illegal parking and obstructio­ns operations sa iba’t ibang lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines