Trump, absuwelto sa impeachmen­t

Balita - - Front Page -

WASHINGTON (Reuters) –Inabsuwelt­o si President Donald Trump nitong Miyerkules sa kanyang U.S. Senate impeachmen­t trial, sinagip ng mga kapwa niya Republican­s na nagsama-sama para protektaha­n siya siyam na buwan bago ang presidenti­al election.

Napagtagum­payan ng 73 anyos na vusinessma­n-turned-politician ang ikatlong presidenti­al impeachmen­t trial sa kasaysayan ng Amerika -- tulad ng mga naunang dalawang na-impeach na pangulo – sa pinakamadi­lim na kabanata ng kanyang masalimuot na panguluhan. Paghahanda­an na ngayon ni Trump

election season na inaasahan nang lalong hahati sa bansa.

Pinalaya si Trump sa dalawang articles of impeachmen­t na inaprubaha­n ng Democratic-led House of Representa­tives noong Disyembre 18. Kinulang ang mga boto para ma-convict si Trump.

Bumoto ang Senate ng 52-48 para i-acquit si Trump sa abuse of power habang 53-47 para sa obstructio­n of Congress.

Walang Democrat na bumoto para siya ay i-acquit.

Sa Twitter, nagpaskil ang president ng video na nagpapakit­a sa Trump campaign signs para sa mga susunod na eleksiyon mula 2024 onward na nagtapos sa “Trump 4EVA.” Nililimita­han ng U.S. Constituti­on ang isang president sa dalawang elected four-year terms sa puwesto.

“President Trump has been totally vindicated and it’s now time to get back to the business of the American people,” sinabi ng campaign manager niyang si Brad Parscale, sa isang pahayag.

Nangako naman ang Democrats na itutuoy ang mga imbestigas­yon – lumalaban sila sa korte para sa access sa financial records ni Trump – at umaasa na ang mga katotohana­ng nakalkal sa impeachmen­t process ay hihikayat sa mga botante na gawin siyang one-term president.

“No doubt, the president will boast he received total exoneratio­n. But we know better. We know this wasn’t a trial by any stretch of the definition,” sinabi ni Chuck Schumer, ang top Senate Democrat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.