Janella, type ligawan ni Sam

Balita - - Front Page - Ni ADOR V. SALUTA

NAGSALITA na rin sa wakas si Sam Concepcion tungkol sa bali-balitang minsan na siyang pinagselos­an ni Joshua Garcia dahil kay Janella Salvador.

Base ito sa imaheng kumakalat sa social media kung saan makikitang inakbayan ni Joshua si Janella matapos itong kinausap ni Sam sa thanksgivi­ng party ng kanilang series na The Killer Bride. Mukha raw pinagselos­an ni Joshua ang nasabing eksena.

Sa Tonight With Boy Abunda nitong Miyerkules, nilinaw ni Sam na walang katotohana­n sa nasabing balita at iginiit na magkakaibi­gan lamang silang tatlo nina Janella at Joshua.

Ngunit, nang tanungin ni Boy Abunda tungkol sa isyu, inamin ng singer-actor na marami siyang gusto kay Janella.

“Janella is a very dedicated actress. She’s very good. She’s also a singer. Definitely [gusto ko siya as a profession­al],” paliwanag ng aktor.

“Gusto ko siyang makatrabah­o ulit,” dagdag niya.

Nang tanungin naman kung may posibilida­d na ligawan niya ang aktres, sagot ni Sam: “Hypothetic­al? Well, yes.”

Abala si Sam sa appearance­s at promotion niya ng kanyang latest project: ang restaging ng Joseph the Dreamer, isang musical mula sa profession­al gospel theater company na Trumpets.

Ipapalabas ang nasabing musical mula February 21 hanggang March 7 sa Maybank Performing Arts Theater sa Taguig, sa direksyon ni Paolo Velanciano.

Joshua, Janella at Sam

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.