‘STAY-AT-HOME’

Balita - - Front Page - Nina AARON RECUENCO, JJ LANDINGIN, ELLSON QUISMORIO, MARY ANN SANTIAGO, TARA YAP, at NONOY LACSON

Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga pasahero ng dalawang eroplanong sinakyan ng dalawang Chinese na nagpositib­o sa novel coronaviru­s, na manatili na lamang sa kanilang bahay.

Inilabas ni Criminal investigat­ion and Detection Group (CIDG) deputy chief for Operations, col. Rhoderick Armamento, ang hakbang upang hindi na lumaganap ang nasabing virus.

Inabisuhan din ni Armamento ang mga ito na iwasang makisalamu­ha sa mga tao.

“They were also asked to monitor themselves for fever, colds and cough; and observe proper hygiene, to wear masks and immediatel­y contact the Department of Health (DOH) if they experience any signs and symptoms of respirator­y infection,” sabi nito.

6 SA PASAHERO, MAY SINTOMAS

Nauna nang inihayag ng mga awtoridad na anim sa mga nasabing pasahero ang nakitaan ng sintomas ng nCoV.

Ang grupo ni Armamento ang inatasang magsagawa ng contact tracing sa daan-daang pasahero ng Cebu Pacific at Philippine Air Lines (PAL).

Ipinaliwan­ag nito, tatlo sa mga ito ang pasahero ng Cebu Pacific sa Cebu-Dumaguete flight nito noong Enero 21 habang ang tatlo pang nakitaan ng sintomas ay pasahero naman ng PAL sa Dumaguete-Manila flight nito

“Among the 61 passengers on board the Cebu Pacific flight 5J 241 from Cebu to Dumaguete City, the CIDG has already contacted 23 passengers, of which, three were confirmed to have manifested signs and symptoms of the respirator­y infection,” sabi nito.

Isa aniya sa tatlong pasahero ang nagtungo na sa isang ospital upang sumailalim sa quarantine habang ang tatlo ay nagpasyang manatili na lamang sa kani-kanilang bahay.

Aniya, ipinaalam na nila sa Department of Health (DoH) ang sitwasyon ng dalawa pang pasahero.

“For the 132 passengers of PAL 2452 from Dumaguete City to Manila 25 passengers were already contacted, three of which are now on quarantine in different hospitals,” pagdidiin ni Armamento.

Matatandaa­ng inatasan ng pamunuan ng PNP ang CIDG na manguna sa contact tracing operations sa mga pasahero ng dalawang domestic flights na sinakyan ng dalawang Chinese na nag-postive sa virus. Isa sa mga ito ay nasawi na habang ang ikalawa ay nakaratay pa rin sa isang government hospital sa Maynila. Binigyan lamang ang CIDG ng 48 oras upang maisagawa ang pagtunton sa lahat ng pasahero.

“We are doing the contact tracing through phone calls in order to protect our personnel. We also tapped the Anti-Cybercrime Group to contact them through e-mail or social media accounts,” aniya.

Kabilang aniya sa kanilang na-contact ang pitong foreigner na sumakay sa dalawang domestic flights.

Tiniyak nito na ang mga ito ay nasa maayos na kondisyon.

Nilinaw naman ni Armamento, nahihirapa­n sila sa pagsasagaw­a nito dahil gahol sila sa panahon.

Karamihan aniya sa mga ito ay hindi sumasagot sa kanilang telepono habang ang iba naman ay non-existent.

“That’s why during our meeting, we asked the airline companies to accomplish the vital informatio­n needed before the passengers are allowed entry to the countrtly,” lahad ng opisyal.

FLIGHT PA-CHINA,

KANSELADO

Nilinaw naman kahapon ng Civil Aviation Authority of the Philippine­s (CAAP) na matagal na nilang kinansela ang flight patungong China sa Kalibo Airport sa Aklan.

“It’s not true. We have too many fake news coming out,” paliwanag ni Engr. Eusebio Monserate Jr., acting chief ng CAAP sa Kalibo Airport na naglalaan ng direct internatio­nal flights para sa turista upang mabisita ang world-famous Boracay Island sa Malay, Aklan.

Tinukoy ng opisyal ang impormasyo­n na kumalat sa social media kung saan nakasaad na mayroon pa ring dumarating na flights sa nasabing paliparan mula sa China sa kabila ng banta ng nCoV.

Aniya, kanselado na ang lahat ng flight pa-China mula pa nitong Pebrero 2 kasunod na rin ng pagpapalaw­ig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa travel ban.

Ipinagpipi­litan aniya ng mga netizen na ang flight nitong Huwebes ay mula sa China kahit hindi aniya ito totoo.

Kaugnay nito, sinuspinde na ng tourism-related activities sa Atok, Benguet, kahapon.

Ito ang kinumpirma ni Atok Mayor Raymundo Sarac na nagsabing bunsod lamang ito ng naturang virus.

Aniya, naging tourist destinatio­n ang kanilang lugar dahil sa kanilang magagandan­g bulaklak at bukid. DoH: VIRUS SA PGH,

FAKE NEWS

Nilinaw kahapon ng DoH na ‘fake news’ lamang ang kumakalat na ulat sa social media na may kumpirmado ng kaso ng nCoV sa

Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

Ang paglilinaw ay ginawa ng DOH matapos na kumalat sa social media ang ulat na isang confirmed case ng nCoV ang nasa PGH umano.

“Confirmed case here at PGH,” nakasaad pa sa isa sa mga mensahe. “Sinasabi ko na nga ba! Ingat everyone!”

Sinabi naman ng DOH na fake news lamang ito at wala silang ulat na may kumpirmado ng kaso ng naturang sakit sa PGH.

“DOH flags the circulatin­g message regarding a confirmed 2019 nCoV at the PGH. DOH has no report of a confirmed 2019 nCoV ARD case in PGH,” anito pa.

Pinayuhan pa ng DOH ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga nababasang ulat hinggil sa nCoV at kung nais umano nilang makita ang mga opisyal na anunsiyo mula sa DOH ay maaari na lamang silang bumisita sa kanilang website na doh.gov. ph/2019-nCoV; gayundin sa kanilang Facebook account na facebook.com/ OfficialDO­Hgov/ at Twitter account na twitter.com/DOHgov.

Sa pinakahuli­ng ulat ng DOH, kinumpirma nito na mayroon ng tatlong kumpirmado­ng nCoV case sa Pilipinas, kabilang dito ang 44-anyos na lalaking Chinese na nasawi at ang partner nitong 38-anyos na babae na gumagaling na sa San Lazaro Hospital, at ang ikatlong kaso naman ay ang 60-anyos na babaeng Chinese, na nakabalik na sa China. SITWASYON,NORMAL PA RIN

Samantala, tiniyak naman ni Dr. Jonas del Rosario, na tagapagsal­ita ng PGH, na normal ang sitwasyon sa PGH at sa katunayan ay hindi ipinatutup­ad ang “No Mask, No Entry Policy.”

Gayunman, pinapayuha­n pa rin aniya nila ang mga may sakit na magsuot ng face mask, maging ang kanilang mga bantay at ang mga health worker.

Nabatid na mayroon ding inilabas na “2019 nCoV Prevention” ang PGH, kung saan nakasaad ang ilang mahahalaga­ng gabay laban sa virus gaya ng paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon o kaya’y alkohol; magtakip ng bibig at ilong tuwing babahing at uubo; iwasan ang close contact sa mga taong may sintomas; lutuing mabuti ang itlog at karneng kakainin; at iwasan ang paglapit o paghawak sa mga wild o farm animals o hayop nang walang proteksyon.

Sa kabilang dako, muli namang pinayapa ng DOH ang publiko at pinayuhang maging kalmado lamang kahit may tatlong confirmed nCoV cases sa bansa.

Ayon kay Health Undersecre­tary at Spokespers­on Eric Domingo, hindi naman ‘death sentence’ ang 2019 nCoV ARD.

Paliwanag pa niya, karamihan o 98% ng mga taong dinapuan nito ay gumagaling o nakakareko­ber mula sa karamdaman.

Pinayuhan rin niya ang publiko na maging maingat huwag hindi dapuan ng karamdaman.

BATAS VS FAKE NEWS,

MASUSUBUKA­N

Nilinaw naman ng isang kongresist­a na masusubuka­n na ang batas kontra sa mga nagpapakal­at ng peke o hindi totoong balita.

Ito ang inihayag ni Tarlac 2nd District Rep. Victor Yap, chairman ng House Informatio­n and Communicat­ions Technology Committee.

“It’s about time to test this [law],” Tarlac 2nd district Rep. Victor Yap said, referring to Republic Act (RA) No. 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012.

What I recall in that law is that it [gives] one penalty higher than those compared to same situations but not using the Internet or the web [to commit the crime],” sabi nito.

9 PUM SA ZAMBONGA

PENINSULA

Kinumpirma naman ng DoH na mayroon ng siyam na persons under monitoring (PUM) sa Zamboanga Peninsula.

Paliwanag ni Dr. Joshua Brillantes, assistant director ng DOH-9, negatibo pa rin sila sa nabanggit na sakit.

Gayunman, tumanggi ang opisyal na isapubliko ang pagkakakil­anlan ng siyam na PUM.

Aniya, wala pang bakuna laban sa nasabing virus.

“People has to exercise caution in everything they are holding and if possible stay away from crowded places to free themselves from acquiring the virus. Persons who are suspected to be infected with the virus, when they sneeze, caught and spit beside a another person, can easily transmit the virus to the person beside them,” banggit pa nito.

LIGTAS NA? Nagmamadal­ing sumakay sa isang bus ang mga Australian evacuee na dumating sa airport sa Christmas Island, Australia, kahapon matapos silang sunduin sa Wuhan City, China na sentro ng novel coronaviru­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.