Hollywood legend Kirk Douglas, pumanaw na

Balita - - Showbiz -

PUMANAW na ang US silver screen legend na si Kirk Douglas, ang anak ng Jewish Russian immigrants na naging isa sa Hollywood’s biggest-ever stars, sinabi ng kanyang pamilya nitong Miyerkules. Siya ay 103 taon gulang.

Isa sa last survivors ng golden age of cinema at ama ng Oscar-winning actor at filmmaker na si Michael Douglas, ang

Spartacus actor ay kilala sa kanyang macho tough guy roles na madalas niyang gampanan sa halos 90 pelikula sa anim na dekadad niyang karera.

“It is with tremendous sadness that my brothers and I announce that Kirk Douglas left us today at the age of 103,” sinabi ni Michael Douglas sa pahayag na nakapaskil sa Facebook.

“To the world he was a legend, an actor from the golden age of movies who lived well into his golden years, a humanitari­an whose commitment to justice and the causes he believed in set a standard for all of us to aspire to.”

Si Douglas ay Oscarnomin­ated para sa kanyang mga pagganap bilang double-crossing at womanizing boxer sa Champion (1949), bilang isang ruthless movie producer sa The Bad and

the Beautiful (1952) at bilang tortured artist na

si Vincent Van Gogh sa Lust for Life (1956). Ngunit nasungkit niya ang natatangi niyang Academy Award noon lamang 1995 – isang honorary lifetime achievemen­t statuette “for 50 years as a creative and moral force in the motion picture community.”

Inulila ni Douglas ang kanyang second wife na si Anne Buydens, 100 anyos, at tatlong anak na lalaki. Ang ikaapat niyang anak na si Eric, ay namatay sa drug overdose sa edad na 40 noong 2004.

“(To) me and my brothers Joel and Peter he was simply Dad, to Catherine (Zeta-Jones), a wonderful father-in-law, to his grandchild­ren and great grandchild their loving grandfathe­r, and to his wife Anne, a wonderful husband,” sinabi ni Michael.

“Kirk’s life was well lived, and he leaves a legacy in film that will endure for generation­s to come, and a history as a renowned philanthro­pist who worked to aid the public and bring peace to the planet.”

Michael at Kirk

Kirk

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.