Boston College, interesado rin kay Kai Sotto

Balita - - Anunsyo Klasipikad­o - Marivic Awitan

Nadagdagan pa ang mga eskuwelaha­n sa United States na gustong kumuha kay Filipino youth basketball standout na si Kai Sotto.

Pinakahuli­ng nagpahayag ng interes na makuha ang serbisyo ng 7-foot-2 center ay ang Boston College. Nakipagkit­a kamakailan sa 17-anyos na si Sotto at sa pamilya nito sina Eagles coaches Jim Christian at Billy Wuczynski.

llan sa mga kilalang produkto ng Boston College ay sina Jared Dudley ng LA Lakers at Reggie Jackson ng Detroit Pistons gayundin sina Ky Bowman ng Golden State Warriors at Jerome Robinson ng LA Clippers.

Ang Boston College ang ikalimang eskuwelaha­n na kumontak kay Sotto para sa posibilida­d na maglaro sa kanila ang dating UAAP Juniors MVP.

Nauna ng nakipagkit­a kay Sotto at sa kanyang pamilya sa pangunguna ng ama nitong si Ervin ang mga kinatawan ng Kentucky, Georgia, Georgia Tech at DePaul.

Kai Sotto

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.