Cardinals, lalong tumatag

Balita - - Anunsyo Klasipikad­o - Marivic Awitan

Patuloy na binuhay ng Mapua University ang tsansa nilang umabot ng playoff round matapos pataubin ang kanilang kapitbahay sa Intramuros na Lyceum of the Philippine­s University, 27-25, 25-18, 25-18.

Umiskor ng tig-12 puntos sina Alfredo Pagulong , John Benedict San Andres at Raje Emmanuel Hizon upang pangunahan ang nasabing straight sets win ng Cardinals.

Sanhi ng naturang panalo, umangat ang Mapua sa ika-4 na puwesto taglay ang barahang 4-3, panalo-talo kasunod ng St.Benilde (4-2), Arellano (5-2) at ng mga namumunong University of Perpetual at Emilio Aguinaldo College na parehas pang walang talo matapos ang 6 na laro.

Nag-iisa namang tumapos na may double digit para sa Pirates na nalaglag sa markang 1-6, si Juvic Colonia na may 11 puntos.

Dulot ng kabiguan, sumadsad ang Lyceum ng ilalim ng standings kung saan kasama nila ang JRU Heavy Bombers.

Sa women’s division, bumawi naman ang Lyceum Lady Pirates nang magaan nitong dispatsahi­n ang Mapua Lady Cardinals, 25-21, 25-11, 25-16.

Dahil sa panalo, patuloy na binuhay ng Lyceum ang kanilang Final Four bid sa pagtaas nila sa ika-6 na puwesto kasalo ng JRU Lady Bombers hawak ang 3-4 na kartada.

Samantala, bumagsak naman ang Lady Cardinals sa 1-6 na baraha.

Gayunman, hindi na hawak ng LPU ang kapalaran nila dahil kailangan nilang maipanalo ang natitirang dalawang laro at umasang huwag umabot ang University of Perpetual Help (5-1), San Beda University (4-2) at Letran (3-3) ng hanggang 6 na panalo para makapuwers­a ng playoff para sa no. 4 spot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.