Iguodala, lilipat na sa Miami Heat?

Balita - - Anunsyo Klasipikad­o -

Pumayag ang pamunuan ng Memphis Grizzlies na ibigay ang kanilang wingman na si Andre Iguodala sa koponan ng Miami Heat.

Ayon sa isang reliable source sa loob ng NBA na nakausap ni Adrian Wojnarowsk­i ng ESPN, na pumayag mismo si Iguodala na malipat siya sa nasabing koponan sa kontratang nagkakahal­aga ng $30 million sa loob ng dalawang taon.

Kasama sa deal si Justise Winslow na mapupunta naman sa Memphis, ayon pa sa nasabing source..

Isang beses lamang nakapaglar­o si Iguodala ngayong season sanhi ng mga injury nito.

Ang nasabing forward na dating player ng Golden State Warriors ay may average na 11points kada laro, 6.6 rebounds at kabilang sa defensive team ng dati niyang koponan.

Ang 36-anyos na si Iguodala ay hindi nakalaro sa Grizzlies ngunit naiulat na bago ito nailipat sa nasabing koponan isang tumatagint­ing na $17.2 million ang kanyang kinita sa huling taon sa GSW.

Kinailanga­n na mai-trade noon so Iguodala upang makuha naman ng Golden State ang 2024 first round pick at si D’Angelo Russell.

Iguodala

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.