Magaling na aktres, nalampasan na ang depression

Balita - - Front Page - Reggee Bonoan

DUMAAN pala sa depresyon ang supporting actress nang magkaroon siya ng sakit na hindi nalaman ng lahat kaya laking pasalamat niya na nagamot na pero kailangan niyang mag-ingat dahil posibleng bumalik ito.

Mga kaibigan at kaanak ang dumamay sa supporting actress noon kaya naibsan ang kanyang mga nararamdam­an at pati ang pagpapagam­ot ng sakit niya ay sinuportah­an din siya dahil hindi naman siya aktibo sa showbiz noon kaya ngayong medyo okay na ay tumatangga­p na siya ng project para maski paano ay makatulong sa kakailanga­nin niyang gastusin.

May pamilya ang supporting actress pero siyempre hindi naman niya kailangang iasa lahat ng kailangan niya lalo’t may kanya. kanyang buhay na rin sila Natitiyemp­uhan namin ang supporting actress sa mall at okay naman ang itsura niya kasama ang mga anak at asawa. Sana nga dumami na ang project ng supporting actress dahil mahusay siyang artista na laging nominado, hindi nga lang nanalo pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.