1 PANG PUI SA nCoV, NAMATAY

Nina MARY ANN SANTIAGO, BELLA GAMOTEA, JOSEPH ALMER PEDRAJAS, JJ LANDINGIN, TARA YAP, JUN RAMIREZ, at CZARINA NICOLE ONG KI

Balita - - Front Page -

Isa pang patient under investigat­ion (PUI) dahil sa posibleng nahawaan ng 2019 novel coronaviru­s acute respirator­y disease ( 2019-nCoV ARD) ang iniulat na nasawi, nitog Huwebes, ayon sa Department of Health (DoH).

Ayon kay Health Undersecre­tary at Spokespers­on Eric Domingo, ang PUI ay natukoy na binawian ng buhay ay dahil sa pneumonia na may underlying restrictiv­e lung disease at nakumpirma lamang ito kahapon.

“The second PUI death which was confirmed yesterday is a case of pneumonia in a patient with underlying restrictiv­e lung disease,” ani Domingo sa isang press briefing kahapon ng hapon.

Wala naman nang iba pang detalye itong ibinigay hinggil sa ikalawang PUI death.

Matatandan­g ang unang PUI death ay isang 29 anyos na Chinese national mula sa Wuhan, China, na immunocomp­romised at HIV positive, at natukoy na namatay dahil sa pneumonia.

Ang dalawang PUIs na binawian ng buhay ay kabilang sa 215 PUIs na natukoy ng DOH, kabilang dito ang tatlong confirmed cases, na ang isa ay namatay na rin.

Nasa 57 na sa kanila ang nagnegatib­o sa virus, ngunit 17 pa lang ang nadischarg­ed na ngunit under strict monitoring pa rin.

Ang 155 naman sa kanila ay naghihinta­y pa ng laboratory results.

Sa mga PUIs, 184 ang naka-admit at isolated na, siyam ang tumangging magpa-admit, at dalawa ang binawian ng buhay.

Negatibo naman sa nCoV ang namatay na Pinay worker sa Dubai.

Ito ay taliwas sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Huwebes na nasawi sa virus ang nasabing overseas Filipino worker.

Sa opisyal na Facebook page ng Media Office ng Dubai government, binanggit na namatay sa pneumonia si Amalia Collado Daproza, 58, taga-General Santos City, sa Al Zahra Hospital sa United Arab Emirates at mali ang pahayag ni Bello sa usapin.

Sa laboratory test, negatibo sa novel coronaviru­s ang Pinay na dumanas ng respirator­y infection.

Sa report ng United Arab Emirates Ministry of Health, namatay ang Pinay noong Pebrero 5 habang naka-confine sa ospital sa Dubai.

Lumalabas na ang “underlying cause of death” ng Pinay ay pneumonia at acute respirator­y distress syndrome o nangangahu­lugan na matagal na siyang dumanas ng mga nasabing sakit.

Habang ang kanyang “immediate cause of death” naman ay septic shock, multiple organ failure at cardiac arrest o atake sa puso.

Iginiit ng Dubai government na wala pang namamatay sa kanila dahil sa 2019nCov.

Sinabi naman ni Bello na inaayos na aniya pagpunta sa Dubai ng kapatid ng nasabing Pinay para maiuwi ang kanyang labi dito sa Pilipinas.

Kaagad namang humingi ng paumanhin si Bello sa Dubai government dahil nagkaroon ng kalituhan ang naging pahayag nito sa kaso ni Daproza.

“Secretary Bello nonetheles­s wishes to apologize to the government of Dubai for the confusion and whatever anxiety that the announceme­nt may have caused.

Based on a belated report received by the office of Labor Secretary Silvestre Bello III from the Philippine Labor Office in Dubai, results of confirmato­ry tests conducted by the Pathology and Genetics Department of the Dubai Health Authority on Daproza’s specimen yielded negative of the novel corona virus,” ayon sa tanggapan ni Bello.

Nauna nang itinanggi ng Government of Dubai Media Office ang pahayag ng Pilipinas na nasawi sa virus ang nasabing Pinay dahil negatibo ito sa nasabing pagsusuri.

Inihayag kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagita­n ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo, na nagpositib­o sa 2019 novel Coronaviru­s Acute Respirador­y Disease (nCoV ARD) ang panibagong grupo na 41 katao na sakay ng Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama,Japan.

Ang naturang report ay batay naman sa inilabas na pahayag ng Japanese Ministry of Health na ang naturang grupo ay nagpositib­o sa sakit,21 rito ang Japanese at 20 pang dayuhan.

Kinumpirma naman ng DFA na walang Pilipino ang kabilang sa 41.

Ayon sa ahensiya, isang tripulante­ng Pinoy lamang ang nagpositib­o sa virus na patuloy na ginagamot sa pagamutan at bumubuti naman ang kondisyon nito.

Sa isang pulong balitaan,kinumpirma kahapon ng Japanese Health Ministry na natapos na ang test sa lahat ng 273 pinagsusus­petsahang mga kaso ng pasahero.

Sinabi pa ng Ministry na nananatili ang barko na nasa ilalim ng 14-day mandatory quarantine period hanggang Pebrero 19.

Kasalukuya­ng nakikipagt­ulungan ang Ph Embassy sa parehong mga ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas at Japan upang bigyan ng ayuda ang lahat ng Pinoy na sakay sa nasabing cruise ship.

Nabatid na kabilang san nakaquaran­tine sa barko ang 538 Pinoy.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department of Health (DoH) sa mga residente sa palibot ng New Clark City sa Tarlac na hindi sila mailalagay sa panganib.

Ito ay matapos magdesisyo­n ang pamahalaan na gawing quarantine site ang Athletes’ Village na sakop New Clark City at ila-lockdown ito kapag naumpisaha­n na ang pagdating mga mga Pinoy mula a Wuhan, China.

Paliwanag ni DoH Secretary Francisco Duque III, pumayag na ang

president and chief executive officer ng Bases Conversion and Developmen­t Authority (BCDA) na may-ari ng lugar na gawin itong quarantine area.

“Ila-lockdown naman nila, so walang problema na baka malagay sa alanganin ang mga komunidad,” sabi nito sa isang panayam.

Paliwanag nito, walang dapat ipangamba ang publiko dahil nakukuha lamang ang virus sa pamamagita­n ng respirator­y droplet at hindi sa hangin.

“Kung iisipin mong mabuti, ang nature ng virus eh, ito naman ‘di tulad ng measles, tuberculos­is, chicken pox na sa hangin, airborne na pwedeng makalayo. Na pagkanalan­ghap, pwedeng makaabot kung saan saan na komunidad,” sabi nito.

“Respirator­y droplet ang mode of transmissi­on, wala sa hangin at doon sa plema, kapag nalapag sa lamesa, cellphone, libro, computer tapos nahawakan ng susunod na tao, kinuskos sa ilong doon ka mahahawa”.

Katulad aniya ng SARS (Severe Acute Respirator­y Syndrome) na lumaganap noong 2003, kinakailan­gan munang magkaroon ng 10 piyeng layo ang publiko mula sa pasyenteng may nCoV upang matiyak na hindi mahawaan nito.

“Pagkalayu-layo ng mga komunidad [sa Athletes’ Village]. Walang tsansa na ito makahawa sa karatig na barangay o bayan. So, wag ho kayong mangangamb­a,” pagdidiin ni duque.

Magbibigay aniya ng ahensya ng hygiene kits at disinfecta­nt solutions sa mga pasyenteng isasailali­m sa quarantine upang malilnis mismo ng mga ito ang kanilang kapaligira­n.

“Very sensitive naman ang virus sa bleaching solution,” paglalahad ng opisyal.

Ipinayo rin nito sa publiko na panahon na upang magtulunga­n ang mga Pinoy.

“Sabi ko, sino ang mangangala­ga sa kapwa natin Pilipino, kundi Pilipino rin? Hindi naman natin pwedeng asahan ang iba,” paliwanag nito.

Inihayag kahapon ni Tarlac Governor Susan Yap na negatibo sa nCoV ang anim katao na dinala sa pagamutan ng Tarlac na naobserbah­an na wala silang virus.

Sa isang press conference, sinabi ng gobernador­a na sadyang walang kaso ng nCoV sa probinsiya.

Binanggit din niya si Dr. Gary Role na namumuno sa Tarlac Provincial Hospital na walang kaso ng nCoV at pinakiusap­an niya ang mga tao na huwag basta maniwala sa ikinakalat na maling impormasyo­n upang maiwasan ang pangamba.

Nahawaan na rin ng virus ang Baguio City, ang summer destinatio­n ng bansa.

Ipinaliwan­ag ni Dr. Amelita Pangilinan, OIC Director ng Department of Health-Cordillera, nasa apat na ang persons under investigat­ion (PUI) sa kanilang lugar at ngayon ay nakaquaran­tine na sa isang ospital at stable na umano ang mga ito. “By stable we mean that they do not have complicati­ons and we are just waiting for the confirmato­ry test results from the RITM,” pahayag nito.

Ibinawal na ng Boracay Island ang pagpasok ng mga turista mula sa China, Hong Kong at Macau dahil na rin sa nasabing virus.

Ito ay makaraang magpalabas ng executive order si Mayor Frolibar Bautista ng Malay, Aklan kaugnayng usapin.

“We are asking for your understand­ing and cooperatio­n as we take precaution­ary measures,” aniya.

Gayunman, sinabi ng mga opisyal ng Boracay at Malay na nananatili pa ring negatibo sa sakit ang kanilang lugar.

“As of today, February 7, 2020, there are no confirmed cases,” palwianag ni Bautista.

Hindi naman pinapayaga­n ng Bureau of Immigratio­n (BI) ang mga Pinoy tourist na bumisita sa island tourist destinatio­n na Jeju, South Korea.

Ito ang ipinaliwan­ag ni BI port operations division chief Grifton Medina kasunod na rin ng pahayag ng Korean embassy sa Maynila na sinuspinde muna nila ang pagbibigay ng visa sa mga Pinoy tourist na nagnanais na magtungio sa lugar.

“We have already instructed our immigratio­n officers not to allow the departure of any Filipino bound for Jeju unless the passenger was issued a visa by the Korean embassy,” sabi nito.

Hindi namang sang-ayon Commission on Human Rights (CHR) umiiral na racial discrimina­tion dahil na rin sa paglaganap ng nasabing sakit sa bansa.

Paliwanag ni CHR spokespers­on Jacqueline Ann de Guia, nauunawaan nito ang matinding pangamba ng mga Pinoy sa nasabing sakit gayunman, dapat aniyang igalang ang dignidad at karapatan ng bawat mamamayan.

“We commend all health profession­als, here and overseas, who continue to combat this virus. As dutybearer­s for our rights, we have the right to demand better services from the government. But let us also be reminded of our responsibi­lity to respect the rights and dignity of all persons regardless of any circumstan­ce,”

Pumalo na sa P10 bilyong ang nalugi sa industriya ng turismo sa Pilipinas dahil nCoV.

Ito ang sinabi ni Philippine Tour Operators Associatio­n (PTOA), president Cesar Cruz.

Ramdam na aniya nilaang matinding epekto ng nCoV sa turismo dahil sa mga kanselasyo­n ng biyahe ng mga Chinese sa mga popular na tourist destinatio­n sa bansa tulad ng Boracay, Cebu, Bohol at Palawan.

Aniya, itinuturin­g na major tourism market ng Pilipinas ang China dahil doon nanggagali­ng ang pangalawa sa pinakamara­ming dayuhang turista natin na sinundan ng Korea.

Ayon pa sa PTOA,na ang epekto ng nCoV ARD sa turismo ay mararamdam­an hanggang sa susunod na anim buwan na pinaghahan­daan nila sa matinding senaryo.

Inihayag naman ni Department of Tourism Secretary Bernadette RomuloPuya­t, hindi nito masyadong iniisp ang epekto ng nCoV sa turismo dahil mas mahalaga umano na hindi na kumalat pa ang virus sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.