People’s war vs 2019 novel coronaviru­s

Balita - - News -

BEIJING/SHANGHAI (Reuters) – Tiniyak ni Chinese President Xi Jinping kay U.S. President Donald Trump nitong Biyernes na ginagawa ng China ang lahat ng kanyang makakaya para makontrol ang 2019 novel coronaviru­s na pumatay na ng halos 640 katao, kabilang ang isang doktor na unang nangalampa­g ngunit pinatahimi­k ng mga pulis.

Unti-unti nang natatamo ng China ang mga resulta at kumpiyansa itong magagapi ang epidemya nang walang long-term consequenc­es sa economic developmen­t, sinabi ni Xi sa kanyang U.S. counterpar­t sa tawag sa telepono, ayon sa state television.

Nauna rito ay nagdeklara si Xi ng “people’s war” sa virus, sinabi na tumugon ang China nang buong lakas at pinakamasi­nsin at mahigpit na mga hakbang sa pag-iwas at pagkontrol, sinabi ng state media.

Ang masigasig na sigaw ay dumating sa gitna ng pagbaha ng kalungkuta­n at galit sa social media sa pagkamatay ng ophthalmol­ogist na si Li Wenliang dakong madaling araw sa ospital kung saan siya nagtatraba­ho at unang itinaas ang alarma tungkol sa bagong coronaviru­s sa central Chinese city ng Wuhan, ang epicenter ng outbreak.

‘LOCAL HERO’

Isa ang 34-anyos na si Li sa walong katao na sinaway ng Wuhan police noong nakaraang buwan sa pagkakalat ng diumano’y “illegal and false” informatio­n tungkol sa 2012 novel coronaviru­s, isang flu-like pathogen na ngayon ay ay isa nang global health emergency.

Ang kanyang mensahe sa grupo ng mga doktor sa Chinese social media na nagbababal­a ng bagong “SARS-like” coronaviru­s – ang tinitukoy ay ang Severe Acute Respirator­y Syndrome (SARS) na pumatay ng halos 800 katao sa buong mundo noong 2002-2003 – ay ikinagalit ng Wuhan police. Inakusahan ang China ng pagsisikap na pagtakpan ang SARS.

Napilitan siyang pumirma sa isang liham noong Enero 3 na nagsasabin­g siya ay mayroong “severely disrupted social order” at pinagbanta­ang kakasuhan.

Inilarawan ng maraming mamamayang Chinese sa social media si Li na isang bayani at tragic figure, at inakusahan ang mga lokal na awtoridad ng incompeten­ce sa early stages ng outbreak na ngayon ay pumatay ng mga mahigit 400 katao sa Wuhan at nagpasara sa lungsod.

“We deeply mourn the death of Wuhan doctor Li Wenliang ... After alleffort rescue, Li passed away on 2:58 am, Feb. 7,” tweet ng ruling Communist Party’s People’s Daily.

Inilarawan siya ng ilang Chinese media na “hero who was willing to speak the truth” habang ang ibang commentato­rs ay nagpaskil ng poems, photos at drawings na sumasaludo sa kanya.

“Light a candle and pay tribute to the hero,” paskil ng isang indibidwal sa social media platform na Weibo. “You were the beam of light in the night.”

NEARING PEAK

Ang bilang ng mga namatay sa 2019-nCoV outbreak sa mainland China ay umabot na sa 636 nitong Biyernes sa 73 nagdagdag sa mga namatay at 3,143 bagong kumpirmado­ng infections, itinaaas sa 31,161 ang kabuuan ng mga kaso, ayon sa National Health Commission.

Dalawa na ang iniulat na namatay sa labas ng China, sa Hong Kong at sa Pilipinas.

Patuloy na kumalat ang virus sa buong mundo, na may 41 bagong kasong iniulat kabilang sa halos 3,700 katao na naka- quarantine­d skay ng cruise ship na nakaangkla sa Japan, itinaas ang kabuuang bilang ng mga kaso sa barko ng 61.

Sa Hong Kong, isa pang cruise ship na mayroong 3,600 pasahero at crew ang naka-quarantine tatlong araw na ngayon at tatlong kasong sakay nito,

Ipinagbawa­l naman ng Taiwan, mayroong 13 cases, ang pagdaong ng internatio­nal cruise ships.

Sinabi ng isangChine­se official na malapit na sa sukdulan ang krisi, sa mahigit 1,300 pasyenteng pinalabas sa ospital, kahit na patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga bagong pasyente na nasuring mayroong 2019-nCoV.

“I have full confidence that we’re going to get ahead of it,” sinabi ng opisyal. “The biggest challenge is still to control the spread of the disease, and let all the suspected patients be cured in the hospital.”

‘GHOST CITY’

Tila naging ghost city naman ang Beijing na ngayon ay nagyeyelo ang kapaligran sa gitna ng taglamig. Halos hindi lumalabas ang mga tao sa takot sa coronaviru­s outbreak.

“You see empty walkways, empty streets with very little cars, bicycles or motorbikes,” paglalaraw­an ni Reuters Greater China Chief video producer Mark Chisholm.

“I’ve lived in Beijing for 15 years and never seen the city so deserted,” dagdag pa ni Chisholm. “I actually find it rather sad that this usually vibrant place has become a ghost city with 25 million people holed up in their apartments.”

JAPAN EMERGENCY MEASURES

Inatasan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang gobyerno na gawin ang “all necessary steps” mabawasan ang epekto ng pagsiklab ng virus sa ekonomiya, kabilang ang pagamit sa state budget reserves.

Titipunin ang gobyerno ang emergency measures para tugunan epekto ng outbreak sa susunod na linggo, iniulat ng Jiji news agency.

“There’s a risk the coronaviru­s outbreak could hurt consumptio­n, so we need to watch developmen­ts carefully,” sinabi ni Economy Minister Yasutoshi Nishimura nitong Biyernes, matapos ang

matapos ang regular cabinet meeting.

“The impact on inbound tourism is also a concern,” aniya.

PANIC BUYING Dumagsa sa supermarke­ts sa Hong Kong ang mga mamamayan na nagpa-opanic buying ng up toilet paper matapos ang maling balita ng shortages, na nagbunsod sa mga awtoridad na umapela ng kahinahuna­n sa lungsod ng pitong milyong residente kaugnay sa nakamamata­y na coronaviru­s outbreak.

Naglabas ang Hong Kong government nitong Miyerkules ng gabi ng pahayag na mali ang mga bali-balitang nagkakaubu­san ang mga kalakal tulad ng bigas at toilet paper na nagdudulot ng “panic buying and even chaos”.

Sinisi ng pahayag ang mga taong may “evil intentions” sa pagpapakal­at ng malisyoson­g “rumours when the city is fighting against the disease”.

“There are sufficient stocks of staple food including rice and pastas. There is no need for the public to worry,” dagdag pa ng pahayag.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.