Trader, niratrat ng riding-in tandem

Balita - - News - Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija – Patay ang isang trader nang pagbabaril­in ng mga armadong lalaki sa Barangay Brgy. Homestead 2 ng nasabing bayan, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay PSSgt. William Gialogo, may hawak ng kaso, nakilala ang biktima na si Pedro Manabat, alyas ‘Peddie’, 48, may-asawa, ng nabanggit na lugar.

Sa pagsisiyas­at, sinisilip lamang ng biktima ang makina ng kanyang sasakyan sa kanilang garahe nang pumasok ang mga suspek at pinagbabar­il ito.

Agad na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi mabatid na lugar.

Naisugod pa sa Premiere Medical Center ang biktima gayunman, binawian na ito ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Nagsasagaw­a na ng pagsisiyas­at ang pulisya sa kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.