Gabbi at Julia, friends na ulit

Balita - - Showbiz Atbp. - Nitz Miralles

NAGKAUSAP na siguro sina Julia Barretto at Gabbi Garcia dahil ang balita, Julia follows Gabbi and Gabbi’s boyfriend Khalil Ramos in Instagram (IG). Nabalita noon na bigla na lang in-unfollow ni Julia ang dalawa sa IG na kahit ang dalawa, hindi siguro alam ang rason.

Pero ngayon, friends na uli sina Julia at Gabbi at pati na si Khalil, kaya pati sa socmed, friends na uli ang tatlo.

Speaking of Gabbi, kaya pala siya lumipad pa-Taiwan a few weeks ago dahil siya ang napiling Taiwan Tourism Ambassador. Siya ang first Filipina to become a Taiwan Tourism Ambassador. Isa sa event ng Taiwan na dinaluhan ni Gabbi ay ang 27th Travel Tour Expo 2020 noong February 7 sa SMX Convention Center.

Post ni Gabbi: “So happy to announce that I’m the First Filipina Taiwan Tourism Ambassador! Shooting this didn’t feel like work at all.”

Kagagaling din ni Gabbi sa Spain, nagasa shoot ng endorsemen­t at habang nasa Spain, naimbitaha­ng manood ng Football Club Barcelona. Parang ang bagong endorsemen­t ni Gabbi ang nag-imbita sa kanyang manood ng football.

Gabbi

Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.