Ika-33 labas

Balita - - Libangan - R.V. VILLANUEVA

DAHIL batid ni Lyka ang dahilan sa madalas na pagpunta ni Rolan sa mga nagaganap na kasayahan at pagdiriwan­g sa iba’t ibang bahagi ng barangay Alagaw, hindi tumutol sa ginagawa ng asawa. Bagama’t noong una, nakakadama siya ng takot at pangamba kapag naiiwang nag-iisa sa lumang bahay, naging pangkarani­wang pangyayari na lamang ito sa paglipas ng araw. Hindi na rin kinatakuta­n ni Lyka ang mga ingay na lumulutang sa iba’t ibang bahagi ng bahay dahil natiyak niyang likha lamang ng hayop. At tulad ng dating umalis ng bahay ang asawa, mabilis na pupunta sa balkon ng lumang bahay si Lyka kapag narinig ang tawag ng asawa para ipaalam ang pagdating.

“Lagpas ng hatinggabi ang uwi mo, Rolan,” wika ni Lyka. “Siguro, nagpakalas­ing ka ng husto kaya ngayon ka lang nakauwi.”

“Mali ang iniisip mong ‘yan, Lyka,” sagot ni Rolan. “Hindi ko kinakalimu­tang kontrolin ang pag-inom para magawa ang pinagagawa ni Lolo Mundong!”

“Anong nangyari?” tanong uli ni Lyka.

“’Yun nga,” sagot ni Rolan na pumasok sa loob ng bahay kasunod ang asawa. “May kabarangay tayong umaalis at pumapalit kaya hindi ako umalis para magawa ang pinagagawa ni Lolo Mundong.”

“May nasagap ka na bang impormasyo­n sa kamatayan nila Mang Horacio at Aling Karina?” tanong pa ni Lyka.

“Sa awa ng Diyos, tulad pa rin ng dati, wala,” sagot ni Rolan. “Talagang mahusay magtago ng lihim ang mga kabarangay nating salarin sa kamatayan ng mga magulang ni Allea.”

“Baka naman taga-ibang barangay ang mga salarin,” wika ni Lyka. “Hindi taga-barangay Alagaw tulad ng hinala mo at ni Lolo Mundong.”

“Malaki ang paniniwala kong tama ang hinala namin ni Lolo Mundong na tagarito sa ating barangay ang salarin,” sagot ni Rolan. “Tiyak na totoo ang sinabi ni Allea na hindi lang niya minsang narinig ang boses ng tatlong lalaking sumalakay sa kanilang bahay.”

Hindi kinontra ni Lyka ang paliwanag ni Rolan dahil muli siyang nahikayat ng isipang paniwalaan ang sinasabi ng asawa sa mga salaring pumatay sa mga magulang ni Allea. Sa halip, tinanong ang asawa kung kakain pa ng hapunan para ipaghain at tulad ng maraming nakainom, sinabi ni Rolan na kakain pa siya ng hapunan. At katulad ng dating magaganap ang eksenang ito sa mag-asawa, patuloy ang kuwentuhan nila habang nasa hapag-kainan. Matapos kumain, pumunta si Rolan sa lababo para magsepilyo habang inililigpi­t ni Lyka ang mga ginamit niya sa pagkain. Matapos magsepilyo ni Rolan at mailigpit ni Lyka, magkasunod silang pumasok sa sala at tumuloy sa kuwarto. Dahil ikinabit na ni Lyka ang kulambo, tuloy-tuloy na lamang silang nahiga ng asawa sa lumangkatr­eng maituturin­g ng antigong kasangkapa­n.

“Matagal ka na ring lihim na nagsasagaw­a ng pag-alam sa mga salaring pumatay kina Mang Horacio at Aling Karina pero wala kang makuhang tao para paghinalaa­n,” wika ni Lyka.

“Gano’n na nga,” sagot ni Rolan. “Pero hindi ibig sabihin ng pangyayari­ng itong taga-ibang barangay ang mga salarin.”

“Ibig mong sabihin, hindi pa nagbabago ang hinala ninyo ni Lolo Mundong na taga-barangay Alagaw ang tatlong lalaking sumalakay?” tanong ni Lyka.

“Hindi,” sagot ni Rolan. “Dahil ang buong buhay nilang mag-asawa ay umikot lang dito sa ating barangay, hindi sila umalis para manirahan sa ibang lugar.”

“Matibay ngang batayan ‘yan sa paniniwala ninyo ni Lolo Mundong sa paghahanap sa mga salarin,” sang-ayon ni Lyka sa sinabi ng asawa. “Kaya lang parang mahusay talagang magtago ng lihim ang mga salaring hinahanap ninyo.”

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.