Mighty Sports, nakatuon sa Int’l cage tilt

Balita - - Sports -

MAY kakaibang karakter ang Mighty Sports basketball team. At kung pagbabatay­an ang mga tagumpay ng koponan sa internatio­nal scene, hindi maikakaila na hinog na ang koponan para sa mas mataas na antas ng kompetisyo­n – sa local pro league.

Ngunit, sa mga tagahanga ng Mighty Sports, wala pa sa hinuwa ang posibilida­d na mapanood ang koponan sa Philippine Basketball Associatio­n (PBA) o Asian Basketball League (ABL) at maging sa MPBL.

“Mighty Sports joins tournament­s by invitation. As of now we have no plans joining locally. Our plan is to represent the Philippine­s in internatio­nal competitio­ns. This is our objective,” pahayag ni Mighty Sports team owner Cesar Wongchukin­g.

Inamin ni Wongchukin­g na labis-labis ang kanilang kasiyahan sa natamong tagumpay ng koponan, ngunit sadyang malayo pa sa kanilang programa na mapabilang ang Mighty Sports sa pro leaguye.

“Dito muna kami sa Internatio­nal competitio­n. Masaya kami at nakapagbib­igya kami ng kasiyahan sa ating mga kabayayan sa abroad at nakapag-uuwi tayo ng karangalan para sa bansa,” ayon kay Wongchukin­g.

Naitala ng Mighty Sports ang kasaysayan sa katatapos na Dubai Internatio­nal Basketball Championsh­ip matapos tanghaling unang non-middle east teams na nagwagi sa torneo at sa impresibon­g 7-0 sweep.

Mismong si head coach Charles Tiu ay nagulat at hindi makapaniwa­la na matutupad ang kanyang pangarap na magkampeon sa torneo sa dominanten­g pamamaraan.

“To be honest, no. Our goal is to win the championsh­ip, no doubt about that, but in the first team practices and in the first game it didn’t look too good for us,” pahauyag ni Tiu sa isinagawan­g ‘Victory Party’ ng koponan Huwebes ng gabi sa Makati City.

Kahanga-hanga ang Mighty Sports, sa pamumuno nina naturalize­d player Andray Blatche at dating PBA import Renaldo Balkman, sa pagsibak sa defending champion Al Riyadi Lebanon.

“Mabuti na lang everything fell into place, the players started jelling together as a team, so we were able to accomplish our game. I didn’t think we would sweep it, but we’re happy we we’re able to sweep and get the championsh­ip,” pahayag ni Tiu.

Bukod sa dalawang import, kasama rin sa koponan ang beteranong si Beau Belga, gayundin sina Joseph Yeo, Gab Banal, Jelan Kendrick at McKenzie Moore, at mga batang palyers tulad nina Thirdy Ravena, Dave Ildefonso, Jamie Malonzo, Juan and Javi Gomez de Liaño, Isaac Go, Jarerel Lim, Joaqui Manuel, at Mikey Williams. Nais ni Tiu na mapanatili ang ‘core’ ng koponan sa sandaling mapalaban muli sa abroad, ngunit ang desisyon ay nasa kamay ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP).

“For us any time, if we’re asked to represent the country, we will be down for it, form the best team as much as possible. I don’t know if we can keep these guys as some of them already represent the Philippine­s in Gilas. I feel in the perfect world we’d love to keep these guys in a perfect world,” ayon kay Tiu.

Nilinaw naman ni SBP Special Assistant to the President, Ryan Gregorio na wala pang opisyal na plano para sa pagsabak sa Jones Cup, ngunit iginiit na kabilang ang Might Sports sa ‘priority list’.

Nakatakda ang Jones Cup sa Taiwan sa Hulyo.

“They have been supportive to the programs of the federation. It’s just overwhelmi­ng that they were able to win the Dubai Cup, the first ever for a non-Middle Eastern country. In the future tournament­s we’re going to align with them, partner with them, to bring more trophies for the country,” sambit ni Gregorio.

HIndi estrangher­o ang Mighty Sports sa Jones Cup na kanila ring winalis at napagwagih­an sa nakalipas na edisyon sa dominante ring pamamaraan.

Masayang ibinida ng Mighty Sports owners at sponsors ang basketball jersey na kaloob sa kanila bilang pasasalama­t sa matagumpay na kampanya ng Mighty Sports basketball team sa katatapos na Dubai Internatio­nal Basketball Championsh­ip. Winalis ng Mighty Sports ang torneo para tanghaling unang koponan na hindi middle eastern team na nagwagi sa prestihiyo­song torneo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.