Compton, Robinson, kinuha sa Gilas Pilipinas

Balita - - Sports - Marivic Awitan

Kasunod nina coach Tab Baldwin at Sandy Arespacoch­aga, opisyal na ring isinama bilang bahagi ng coaching staff ng Gilas Pilipinas sina dating Alaska coach Alex Compton at Phoenix assistant coach Topex Robinson.

Katunayan, dumalo na ang dalawa sa unang ensayo ng Gilas noong Huwebes sa Moro Lorenzo Sports Center sa Ateneo campus kasama nina Baldwin at Arespacoch­aga bilang mga assistant coaches ni interim coach Mark Dickel.

Dati ng bahagi ng coaching staff ng Gilas si Compton noong 2015 Fiba Asia Championsh­ip kung saan tumapos na runner-up ang Nationals sa host China sa ilalim ni Baldwin bilang head coach.

Unang stint naman ito ni Robinson na kasalukuya­ng head coach ng Lyceum.of the Philippine­s University sa national team.

Nagbabalik naman ang dating coach na si Baldwin sa Gilas bilang program director.

Balik Gilas coaching staff din si Arespacoch­aga, ang kasalukuya­ng head coach ng Gilas Pilipinas Youth.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.