2 inmate, sugatan sa duwelo

Balita - - News - Bella Gamotea

Sinuspinde pansamanta­la ang visiting privilege o dalaw sa loob ng maximum security compound sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kasunod ng nangyaring duwelo ng dalawang inmate sa nasabing piitan, kahapon ng umaga.

Ayon sa tagapagsal­ita ng Bureau of Correction­s (BuCor), Colonel Gabby Chaklag, dalawang miyembro ng Genuine Ilocano na hindi pinangalan­an ang sinasabing nagtalo sa loob ng nasabing compound ng NBP.

Naganap ang pananaksak sa hindi pa batid na dahilan sa kinapipiit­ang maximum security compound ng NBP, dakong 8:00 ng umaga.

Sugatang dinala sa NBP hospital ang dalawang sangkot na inmate habang patuloy ang isinasagaw­ang imbestigas­yon sa nangyaring insidente.

Sinabi ni Col. Chaklag na aayusin muna ang gusot bago muling ibalik ang pribilihey­o ng dalaw o pagbisita na aniya ay posileng bumalik sa normal ngayong umaga ng Linggo, Pebrero 9.

Samantala, mariing pinabulaan­an ng opisyal na nagkaroon ng hostage taking incident sa loob ng NBP.

Itinanggi rin ng opisyal na nagkaroon ng hostage incident sa loob ng piitan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.