Alden, jack of all trades

Balita - - Showbiz - Mercy Lejarde

TALAGA nga namang jack of all trades ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards dahil bukod sa ipinamalas nitong galing sa pag-arte sa The Gift ay masusubuka­n naman ang galing n’ya sa hosting at pakikipagk­ulitan sa mga bagets sa newest musical game show na pinamagata­ng Centerstag­e.

Ayon kay Alden sa katatapos lang na presscon ng naturang show, excited daw s’ya na ma-inspire at ma-motivate ang mga bata na abutin ang kanilang mga pangarap ganon na rin ang pagiging kuya n’ya sa mga ito.

Samantala, hindi lang sa acting at hosting may ibubuga si Alden dahil maging sa larangan ng music industry ay hindi rin ito papatalo dahil nag-chart lang naman ang tatlo n’yang kanta na Wish I May, Say It Again, and Until I See You Again sa iTunes Philippine­s ngayong Linggo.

Mapapanood na every Sundays ang Centerstag­e simula ngayong February 16 sa GMA7.

Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.